Tuesday, June 2, 2009

Monday

Pagkagising na pagkagising ko pa lang,nauna pa sa kape ko ay may nasagap akong napakasamang balita. Medyo may pagka-personal na ito masyado kaya wiz ko na May-I-tell. Kaya naman imbes na ang pundasyon ng araw ko ay kape,itong lintik na balitang ito na lang. Ngitngit na ngitngit tuloy ako simula umaga at nagpatuloy ang kamalasan hanggang gabi. Hindi ko yata araw kahapon.

Ni hindi ako gumawa ng kahit na ano at alam kong malilipat doon ang galit ko. Teka nga't maikwento ang mga ibang nagyari sa akin.

MID- MORNING
Pumunta kami si ate sa palengke para mamili. Iyong pedicab na nasakyan namin ang sinisingil ba naman ay P30 simula palengke hanggang sa amin. Bente pesos daw ang isang tao.Kundi ba naman sya isang tanga at kalahati,araw-araw kaming sumasakay ng pedicab at malaki na nga yung bente-singko pesos na ibinabayad namin araw-araw.
Away-awayin ko nga at sigawan ko nga ng "GAHAMAN!!" at nagtitigan pa kami bago sya umalis.

KINAHAPUNAN
May isang taong nagsabi na ang jubey ko raw. Sige,dagdagan pa ang init ng ulo ko. Kung sinabi sa akin nitong tao na ito ng ibang araw, I could've laugh it off..pero hinde, pinili pa nyang sabihin ito sa akin kahapon. Kahapon na gusto kong pumatay ng tao without any remorse. At sinabi pa sa akin na bakit daw sya eh kaya nyang maging physically fit. Haler? Wala kang ginagawa? Ako kaya gising na ng 6am at natutulog ako ng 1am. Some people have to eat because they work,you know?

GABI NA
Nag-aya si ate bumili ng pagkain sa Chowking.Kahit inaantok na ako at medyo wala sa mood ay go ako dahil baka kako ma-de-stress ako kapag kumain. Sabi ni ate ihingi ko raw sya ng extra soup. Ang order namin ay Boneless Bangus, Half Chicken Supreme, Braised Beef at mango Tapioca,which cost us more than P400.Pagkabigay ng order.

Service Crew: mam eto na po
Ako: Pwede ba humingi ng extra soup?
Service Crew: Eh mam, di po pwede kasi wala po kayong order na noodles
Ako: Pag walang order na noodles,di pwedeng humingi ng extra soup? (may konting inis na ang boses ko..nagtrabaho kaya ako sa Chowking dati at hindi ganon ang policy)
Service Crew: Opo
Ako: Are you sure?

Nataranta ang service crew, sa isip yata nya ay sino itong mahaderang ito na nag-uumingles sa kalagitnaan ng Caloocan. Hinanap ang medyo nakatataas nsa kanya at nagtanong. Ayun,may extra soup na si ate.Kapag hindi nila ako binigyan ng extra soup malamang nasundang yung "Are you sure?" ng "Do you want me to freak out?"


Sabi nga ng pinsan kong si Roman, ipinasa ko raw yung stress ko dun sa pobreng service crew. Hay ang malas nya. Ni hindi ko naman sinadya yung mga reaksyon ko. sadya lang siguro talagang mainit ang ulo ko kahapon.


Makapag de-stress nga.Susubukan kong magluto mamaya.

4 comments:

azul said...

hi peachkins!hmmmm...PMS?ngayon ba okei ka na?

anney said...

kisssssssssss kita!!!!!!!!!

eds said...

hehe nakakatakot pala magalit si peachy hehe.. wawa nman ung service crew na un lol.. ay yang experience mo sa pedicab nangyari sa akin yan. sa trycycle nga lang. at ang siste eh ganito. kasama ko yun kapatid kong 6 years old. nakaupo dun sa side un maliit na upuan. tapos un friend ko at ako. so and bayad isa eh 7 pesos pero dapat 5 pesos lang. nagbigay ako ng 15 pesos kasi nga malapit lang aba ay minura ako ng gago. gawin ko raw bente. minura ko rin sia hehe. loko pala sia tama bang singin ng full yung pobreng bata? ahay. nagtitigan din kami. pero sabi ko. tatandaan ko yang plate number mo at isusumbong kita kay mayor. hehehe pinasibad ng mabilis ang tricycle pero humabol pa ako.. sabi ko masiraan ka sana! Literal ha un driver at yung tricycle nia hehehe.. at pagtapos kumain ako ng sundae sa jolibee ng lumamig nman ng konti ang bungo ko.. hmmp! nakakasulak ng dugo ang mga taong ganito hano? in fairness hindi sila nakakatulog sa kapwa nila kung magiging butakal at timawa sila sa pamasahe hano? di ba no?

Anya said...

wahahaha, sobrang saya ah.

oh, wag mong ipasa sa akin ang stress ha, baka makunan ako, hehehe.

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin