Thursday, June 4, 2009

Cream of Mushroom Soup

Kapag ganitong nag-uuulan ay masarap ang humigop ng mainit na sabaw pero dahil busy ang ating iskeydyul mahirap na magluto pa para i-almusal kaya instant na lang. Buti na lang at available na ang mga instant soups sa market.

Mga paraan sa paggawa ng Cream of Mushroom Soup:
  • Kumuha ng mga kabute mula sa tuyong puno sa likod bahay
  • Gatasan ang alagang baka
  • Kumuha ng isang pakete ng kahit na anong brand na gusto nyo na Cream of Mushroom Soup.
  • Kumuha ng maliit na lata ng kabute at hiwa-hiwain ito. Pwede ring wala nito kung chipipay nagtitipid kayo.
  • Dahil isa lang akong kakain ay kalahati lang ang ginamit ko. 
  • Kumuha ng maliit na kaldero at ihalo ang kalahating pakete sa isang tasang tubig.
  • Kumembot habang hinahalo para masaya.Ipagpatuloy ang paghalo hanggang sa matunaw ang lahat ng powder at humalo sa tubig.
  • Buksan ang kalan at isalang. Ipagpatuloy ang paghalo hanggang sa kumulo.Kailangang tuloy-tuloy ang paghalo dahil kung hinde ay maninikit ito sa kaldero.Hindi sya sasarap.
  • Kapag kumukulo na ay ihalo ang hiwa-hiwang kabute.Samahan ng pagmamahal.
  • Pakuluin ng 30 segundo.Amuyin.
  • Isalin sa tasang cute.
  • Higupin habang ninanamnam ang lamig ng panahon.
hahaha..wala akong magawa.Masaya lang ako ngayong umaga at gusto kong mangulit.Ang totoong instruction po nasa likod ng pakete ng instant cream of mushroom soup.

Good Morning!

6 comments:

Dj MariƱas said...

kulit nito. he he. pero masarap talaga yan at maulan ngayon dito sa atin.

Clarissa said...

yap,maulan na rin dito sa Japan ngayon and I need your recipe for my soup ^_^

anney said...

ginamit mo pala yang cute soup bowl ko ha at nauna ka pa mag post sakin

♥peachkins♥ said...

Ok lang yun kasi mag-iba naman tayo

Medical Books said...

hi! really is interesting what you say, congratulations on the blog, I invite you to visit mine ... greetings!

http://downloadmedicinebooks.blogspot.com/

Raymond said...

mommy! natuwa nman ako sa post na ito.hehe

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin