Thursday, June 11, 2009

Pagod lang itey...

Gustung- gusto..as in gustong -gusto ko talagang magluto kanina kaya lang, di ko naman alam kung anong lulutuin ko. Wala akong cravings. My gas! Is this me?! Sinasapian yata akey? Kasi alam nyo, matakaw talaga ako sa personal.

Isa pa, nagulantang na lang ako at biglang dumating ang mga super friends ni peanutbutter kanina( namely Neil, Arvin at yung di ko kilala na minalas na napunta dito noong may LQ kami ni peanutbutter). Nauna pa sa kanya. Ni hindi man lang tumawag, nag-text, nag-utos sa alimasag, smoke signal, mental telepathy o nag send ng kung anumang warning. Kalurky!! Andusing ko pa naman kanina.Dugyot ako, nahiya naman daw ako.

Pagkatapos nun, courtesy of Arvin um-order na naman sila ng KFC bucket meal forever at nag- grocery cum liwaliw kami ni Ate Finkalucko at Yk-i-lik-yk sa Big TV a.k.a. SM North Edsa. (yun ang tawag ni ykaie dahil dun sa malaking TV sa facade ng The Annex).

Hay nafagod ako. Feeling ko umakyat ako sa pitong bundok at di nag-grocery. Sobrang kulit at likot ni Ykaie. Buti na lang makita ko lang syang abot tenga ang ngiti habang kumakandi-kandirit sa loob ng mall masaya na ako.

2 comments:

payatot said...

ano ba ginawa nila sayo at dinalaw si ikaw at si peanut> nagtanong pa ano? ok lang na madusing ka kase minsan lang naman ata yon e di ba?

Anonymous said...

ano po kahulugan ng kumakandi-kandirit?

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin