Tuesday, June 30, 2009

Feeling ko matitigok ako...

Kahapon ng hapon nanikip ang dibdib ko at di ako makahinga. Tuwing susubukin kong huminga ng malalim parang sasambulat ang dibdib ko. Nababalutan na yata ng taba ang puso ko.Nakakahinga naman ako pero mababaw nga lang.Nagpunta na tuloy ako sa ospital at sinamahan pa nga ako ni ate. Doon may isinaksak sa akin na pain reliever.
IV yung pain reliever pero di naman masakit.Hala,masakit pa rin yung dibdib ko pagkatapos nun. Na-ECG ako at maghintay daw sa babasa ng resulta. Grabe, natakot ako, ayoko yata matigok at bata pa ako. Isa pa paano na si Ykaie pag na-dedz ako?

After a few hours, tinanong nila kung kamusta na daw. Masakit pa rin. Pina-inom ako ng Itherax, bangag ang lola nyo at nakatulog naman kahit papaano.Nagpunta na nga si peanutbutter at pinalitan si ate sa ospital.

Gabi na hindi pa rin dumadating yung babasa nung ECG result. Sabi nung doctor na tumingin sa akin ay normal naman daw ang ECG ko at bumalik ako after 3 days sa heart center nila para sa complete reading nung ECG. Di naman ako satisfied sa result dahil hanggang ngayon ay di pa rin normal itong dibdib ko. Masakit pa rin pag humihinga ng malalim at masakit pag humihiga ako.

Baka pumunta ako sa San Lorenzo at pa-check-up dun. I'll be posting my other entries as soon as maging regular ang takbo nitong puso ko.

7 comments:

saul krisna said...

get well soon mommy.... ingat pag pray kita

Reagan D said...

oh no, what happened?stress or extreme fatigue?
anyway, take a lot of rest and care.

Kim, USA said...

My gulay bakit saan ba gumigimik yang marunong bumasa nang ECG na yan? Parang bitin ata ang result na na getz mo sa Ospital na yan, go for 2nd and 3rd opinion. Besides masakit pa ang dibdib mo baka ano na yan. Keep posted. God bless!

Alisa@Foodista said...

First time to visit your blog.I had fun reading your posts. Hope you get better soon.

.skyflakes. said...

hope you'll feel better soon.
imma pray for a speedy recovery :)

Hari ng sablay said...

get well soon po,

Godbless!

mgiging ok din lahat... :)

Rossel said...

dapat siguro bawasan muna ang food trip lalo na mga fatty foods. ako din hirap sa acid reflux ko kase halos lahat yata bawal kainin.

get well soon, peachie.

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin