Pangarap ko ang tumama sa lotto.. kasama ang halos lahat ng ating kababayan...Lalo na nung mag - P300,000,000 ang prize ng Superlotto.Nakupo, ang hahaba ng pila sa mga lotto outlets.
Sa hirap ng buhay ngayon ay lotto na lang yata ang inaasahan ng karamihan sa mga Pinoy. Bakit nga ba hindi eh sa isang iglap lang marami ka ng pera? Kaya mo ng bilhin hindi lang lahat ng pangangailangan mo at ng iyong pamilya kundi pati na rin mga luho sa buhay.
Pero sana ay maging isa lang ito sa mga pangarap natin.Bukod dito ay mangarap rin tayo ng ibang bagay na makakabuti sa atin at sa ating pamilya dahil hindi naman lahat tayo ay mabibigyan ng pagkakataon na tumama sa lotto.
ito ang aking lahok para sa.
Magandang Huwebes po sa lahat.
11 comments:
tulad mo ako rin ay nangangarap na maging milyonaryo sa lotto na yan kaya lang ay pangarap na lang ata
like you, matagal ko na rin pangarap na tumama sa lotto pero parang panaginip na lang ata lahat yon..have a nice day tita
korek ka diyan. may mga tao kasing parang puro pangarap lang pero kulang sa gawa. hindi naman pwedeng iasa ang pag-unlad ng buhay sa lotto lang.
Eto naman ang pangarap ko: http://www.maureenflores.com/2009/06/litratong-pinoy-pangarap-ko.html
hahaha ayus mommy... hmmm lotto? di ako marunong nun... majong alam ko... mabilis pera dun at sakla... yung sa patay... joke...
pangarap ko mag karoon ng house at lot at munting hanap buhay....
tsaka pangarap ko makasama si gf ko habang buhay... sana mag ka totoo(cross fingers) hahahaha ingat mommy...
Maganda ang pangarap na yan sana nga manalo tayo. Pangarap ko kasing dalhin ang nanay at tatay ko sa pinakamahusay na doktor at pag-aralin lahat ng pamangkin ko hanggang kolehiyo...hayyyy
anyway,. Happy LP!
hehehe isa din ito sa mga pangarap ko. kaso bihira lang ako tumaya.:D
wala yatang Pinoy na hindi nangarap tumama sa lotto. alam mo ba na kami ay may plano na kung sakaling tumama sa lotto, o di ba? iba na ang handa kung sakali. haha
umabot na pala ng ganyan kalaki ang prize. di kasi ako bumibili ng lotto. :) hehehe... subukan ko din kaya tumaya...
ay nako! pangarap ko rin yan! hahahahaha pero hindi naman ako tataya sa lotto... :D
pangarap ito ng tatay ko..tangengot ako sa ganito eh at hindi ko alam kung paano tumaya.
hahahah! my mom and my yaya are big lotto fans; they always get me to place a bet when i'm in manila ;-)
Post a Comment