Thursday, November 12, 2009

Magnanakaw si RoseJean Palmares

Naloka ako at yung punyemas kong katulong na wala pang isang buwan ay nahuli ko kanina na sinubukan akong nakawan ng T-Shirt. Hindi naman kagandahan ang T-Shirt at hindi rin sya bago. Idol siguro nya ako at nagagandahan sya sa akin kapag suot ko yon. Gusto nya maging kasing ganda ko at akala nya kapag suot nya yon ay magiging kasing ganda ko sya. Feeling Blusang Itim of the 21st century ang gaga.

Favorite ko ang T-Shirt at feel ko isuot kanina. Alam kong na-labhan at na-plantsa na yon dahil naglaba sya kahapon at nagplantsa kanina. Aba, namuti na nag mata ko sa kahahanap ay di ko makita. Buti at naisip ko tingnan ang lalagyanan ng damit nya.Ayun! Nakasiksik sa mga damit nya. Ang dami pang palusot ng gaga, kesyo itatanong daw nya kung kanino iyon, kesyo di daw nya alam kung paano napunta doon, nandoong nag-sorry. Di ko nga lang masakal pero galit na galit ako kanina.Lahat nagulantang. Nag-huramentado nga raw ako sabi ni peanutbutter.

Kung pwede lang sipain papuntang agency nya, sinipa ko na. Hinatid ko kanina, at papalitan daw ng agency nya bukas.

4 comments:

Anonymous said...

ay bonga ka jan tsinugi mo na pala... ha haha

♡ N o r e e n said...

Nakakagigil nga yan! Mahirap kasama sa bahay ang hindi mo pinagkakatiwalaan!

Anney said...

Na offend naman ako kay Rose!! Bat ako di nya ko ninakawan ng T-shirt????? Feeling ko tuloy ang taba-taba kooooooooo!!

nikogirl said...

omg that is sooo sad to know.. hope ur feeling better na now..

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin