Ate Cielo and Ykaie
Syempre, late ako sa pag-post at nag-busy- busyhan ako. Di bale kung last year ay wala akong bonggang-bonggang piktyurs, this year meron na. Syempre, nagpunta ulit kami sa puntod ng mga relatives ni peanutbutter♥ kasi nga'y ang mga kamag-anak ko naman na mga yumao ay cremated at nakalagay sa isang altar. Everyday ko naman silang nakaka-chika dito sa loob ng bahay. Hinde po, wala po akong 6th sense or 3rd eye Ang takaw ni Ykaie ayaw bigyan si daddy ng Chiz Curls
Kung last year ay sobrang dami ng tinda bago ka makapunta sa puntod ay mas bongga ang tinda ngayong taon. Naroon pa rin ang mga nagtitinda ng Pork barbeque, Chicken barbeque, isaw, betamax,sandwich, sopdrinks, pansit, cotton candy, hamburger, Calamares, inihaw na hotdog, laruan, pigurin, pizzang gala (pizzang naka-bike), pritong sebo, ipit sa buhok, panyo, ice candy, sweet corn, palamig - gulaman,pineapple juice at buko pandan, yelo, ice tubig at booth ng Purefoods at Greenwich. Ngayon nadagdagan na ng booth ng Pizza Hut, Jollibee at Waffle Time pati na Chicken Barbeque,Siomai at Sipao meron na rin.
peanutbutter♥'s pretty cousins with Ykaie
At syempre, mawaala ba naman ang aking very loving MIL and Tita's[IL]
Katulad ng nakagawian natin, Ang Araw ng mga Patay ay nagsisilbing reunion na rin ng ating pamilya. Kayo, kamusta naman ang Araw ng mga Patay sa inyo?
2 comments:
Wow, pati ipit at panyo nagtitinda na sa sementeryo? Ok ah. Noong 2005 nagpunta kami sa NE ng All SAint's Day, aba, nihindi kami makapasok at sobrang daming nagtitinda. At ang mga sofdrinks, ginto ang presyo, sus..
ang saya saya nyo naman.. inggit si ako kasi na-missed ko na naman ang undas.. dati rati, isa yan sa much awaited event of the year ko kasi parnag reunion ng pamilya at syempre andyan na yung walang putol na tawanan, chikahan, kaininan at sugal naman with mga pinsan..
Im sure pinaka nag enjoy dyan ay ang iyong magandang softcream na si Ykaie lol.. (endearment ko lang sa kanya)
Post a Comment