Nagpunta kami kanina sa sementeryo para dumalaw sa puntod ng mga relatives ni peanutbutter♥. Simula nung mapangasawa ko sya ay saka ko lang naranasan na magpunta sa sementeryo tuwing undas. Paano naman yung mga na-tsugi naming mga mahal sa buhay ay nakagawian ng ipa-cremate at dito ilagay sa isang altar sa bahay. Ayun, sina lolo at lola, tito at tita ay araw- araw nakakapagkwentuhan at araw-araw rin naming nakakasama.
Maiba ako, ang daming tao sa sementeryo kanina! Nakakalurky! Sus, ang sementeryo dinaig pa ang divisoria sa dami ng tinitinda.Bukod sa mga bulaklak at kandila, name it,they have it! Pork barbeque, Chicken barbeque, isaw, betamax,sandwich, sopdrinks, pansit, cotton candy, hamburger, Calamares, inihaw na hotdog, laruan, pigurin, pizzang gala (pizzang naka-bike), pritong sebo, ipit sa buhok, panyo, ice candy, sweet corn, palamig - gulaman,pineapple juice at buko pandan, yelo, ice tubig at kung anu-ano pa. May mga booth din ng Purefoods at Greenwich.
At syempre katulad ng mga nakagawian na.Nagsisilbing family reunion itong Araw ng mga Patay sa ating mga Pinoy. Dito na nagkikita-kita ang magkakamag-anak at may baon na pagkain dito sa sementeryo..parang picnic ba.Kanina nga di ako masyado nakakain dahil nawi-weewee na ako.Uminom pa naman ako ng coke at juice dahil sobrang init,uhaw to the max ako.
Kakainggit yung kabilang puntod mayroon silang Spaghetti...
1 comment:
Aba, oks na talaga ngayon ah..noong elementary ako, wala kaming ginawa kundi hintayin ang tulo ng kandila, kasi dadalhin namin sa school at gagawing floor wax. la pang nagtitinda nuon ng kung anu ano.
last time na nasa pinas ako at all saint's day 2005, oo nga nakita ko may mga nagtitinda na ng kornik, bumili pa nga tita ko..hehehe..iba na talaga ang panahon ngayon..
Post a Comment