Monday, November 3, 2008

Frontyard Barbecue

Wala kasi kaming backyard kaya sa harapan ng bahay kami nagba-barbecue. Birthday kasi ni Tatay kahapon kaya ganyan. Si peanutbutter ang nagluto pero hindi lahat kasi ayaw ni madir na sya ang mag-ihaw dahil sa kadalasan ay nagiging kakulay nya at sunog ang barbecue.Laughter
 
Yan ang Pork barbecue ni mader.Tinimplahan ng kanyang isfeysyal marinade. Subok na yan na masarap dahil isa yan sa pinakamabili naming tinda nung nagtitinda pa kami ng baboy dyan sa may Sangandaan.
Yan si peanutbutter...bukal sa loob nya ang pag-iihaw na yan..nyahaha.Sa totoo lang ay ayaw nya magpa-picture nitong mga oras na ito at "sya na naman daw ang magiging bida sa blog ko."

Nanloko pa nga sya at nag-"friendster pose".Pero sabi nya ay wag ko daw i-post dito sa blog...Pero eto ang picture..hehe..ang cute kasi.
 
 aaaawww...Full of love
 
At ito na ang Pork barbecue ng maluto.Sawsawan ay suka na may sili at sibuyas. Naku,ang dami kong nakain! Good luck naman sa aken.

1 comment:

Mommy Liz said...

ang sarap naman nyan.. pang commercial ang dating..nagtitiis akong bumibili ng 10 pesos per stick sa caloocan kapag nandyan ako sa Pinas.
I guess, I can make it..try and try na lang ako until I succeed. sarap ng sawsawan...nakikita ko pa lang, naglalaway na ko..

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin