Isang taon na ang aking anak ay mahilig pa rin ito sa patupat at ang gusto pa nya ay yung mumurahing patupat lang. Sa tuwing bibigyan sya nito ay tinatanggal nyang pilit ang hawakan nito at natutuwa sya sa tuwing matatanggal nya yun na para bang may feeling ng pagwawagi. kahit pa ikabit mo ito ulit ay pilit nya uling tatanggalin.Hayan at may mga sobrang hawakan na kami sa bahay dahil nasira na ang ibang mga patupat na pinaglumaan nya.
Magandang Araw ng Huwebes sa lahat!
10 comments:
Iba-iba talaga ang hilig ng mga anak natin, ano? Kakaiba nga ang sa iyo dahil ngayon lang ako nakadinig ng batang mahilig humila ng hawakan ng patupat - hehehe! :)
ngayon ko lang nalaman ng patupat ang tawag dito.:D baka magiging inventor ang anak mo.
ay, patupat pala ang tawag niyan sa Tagalog, interesting :-)
what a clever child you have :-)
ABa, patupat pala yan, wagi tayo dito, me bagong kaalaman :D
ah patupat pla yan....me natutunan ako hehehe :)
...ako din ngayon ko lang nalaman ang tawag dyan.. hehe...
..happy lp..
Maraming taon ko ng hindi narinig ang patupat ha ha! nakakatuwa naman ang anak mo, kakaiba ang hilig lol!
Happy LP and Happy Thanksgiving day!
patupat pala tawag dun =D Magwawagi din sha later on pag graduate nya sa patupat---
Patupat!! graduate na rin jan ang mga boys ko. have a great weekend :-)
kala ko patotong ang pacifier. kasi di ba, toto, bulol ng dodo..anyways, mga anak ko di nahilig sa patupat, pero I tried para pang pa antok, but after over a year old, ayaw na rin.
Post a Comment