Saturday, November 8, 2008

8 Things you might not know about me....

Mahigit dalawang buwan na ang nakakaraan mula ng aking i-post ang 10 Random Facts About Peachy. Iilan -ilan lang ito sa mga bagay tungkol sa akin.And now I got tagged by Mom of Four. Kailangan ko magbigay ng walong bagay tungkol sa akin, for you to know me better.
 
1. Isa akong Pulis na matulis...yup, sa maniwala kayo't sa hindi ay nagtapos ako ng kursong  BS Criminology. Kinder pa lang ako  ay pangarap ko ng maging pulis dahil feeling ko astig sila at may "hero" image. Noong lumaki na ako ay interesado pa rin ako sa mga krimen at kriminal ngunit pinigilan ako ng nanay ko na magpulis dahil,alam nyo naman na dito sa atin ang imahe ng Pulis at ng Kriminal ay iisa..hehe

2.Gusto kong pumayat...pero alam kong mahihirapan ako dahil mahilig akong lumamon kumain. Very adventurous ako when it comes to food. Hala, tikim dyan, tikim dito na akala mo wala ng bukas kapag nakakita ng bago sa paningin.

3.Gusto kong manalo sa lotto pero hindi naman ako tumataya...(nge paano kaya yun no??) Paano kasi sa palengke pa ang tayaan ng lotto at tinatamad akong magpunta roon tuwing tataya ako.

4. Bunso ako sa tatlong magkakapatid.Ang pangalan ko ay Peachy, ang aking ate ay Pinky at ang kuya namin ay Brownie Noel (biro lang, Kuya..lab yu). Dapat ang ipapangalan sa akin ng nanay ko ay Purple..nagandahan ako kaya ipinangalan ko sa anak ko.

5.Mahal na mahal na mahal na mahal ko si peanutbutter.....kahit na toyo-in sya.

6.Kapag bumibili ako ng taho ay hindi ko ito pinapahalo.Ayoko ng durog na taho kahit na alam kong madudurog din naman iyon sa tyan.

7. Hindi ako mahilig manood ng drama. Iyakin kasi ako. Gusto ko parati matawa.

8. Mahilig ako sa Kape. Dala yata ito ng pagtatrabaho bilang barista sa isang popular na coffee shop dati.

Yun lang!
And the tag rules to follow are:
1 - Each player starts with eight random fact/habits about themselves.
2 - People who are tagged need to write their own blog about their eight things and post these rules.
3 - At the end of your blog post, you need to choose eight people to get tagged and list their name.
4 - Don’t forget to leave them a comment telling them they’re tagged and to read your blog.
 

And now I'm tagging 8 of the most wonderful friends I know..

* Rosa
* Pau-pau
* Lizz
* Addy
* Nona
* Jhoice
* Jonnalyn
* Joycie

3 comments:

Nona said...

Hello Peachy, wow pulis ka pala. Alam mo pangarap ko rin iyan noong bata ako until now. Kaya ang hilig kong mga palabas eh, Crime and mystery...etc etc haha.
Thanks sa tag, nagawa ko na eto pero gagawin ko uli. :)

Mom of Four said...

Hi Peachy, wow at least now, hindi na Peachkins ang tawag ko sau.. Parang di kita maimagine as pulis, hahaha..yung naka uniform at humahabol ng snatchers..
Oh di ba, nagawa mo na to dati, pero di ko alam, kasi di ako bumalik 2 months back para basahin ang iba mong posts, hehehe..
Thank you very much. I had a chance to know you better..Pareho pala tayo mahilig sa food...kaya ng hirap magpapayat..basta masarap, lafang talaga ako...

Lizzie said...

thanks sis!

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin