Saturday, August 16, 2008

10 Random Facts About Peachy

1.Mahilig ako sa yoghurt.Kahit na sinasabi nilang ito ay panis na gatas.Gusto ko ng frozen yoghurt,yoghurt ice cream,yoghurt shake at plain yoghurt ng nestle.

2.Ayoko ng Patola.Hindi ko alam kung bakit,gusto ko naman ang lasa ng Upo.

3.Paborito ko ang Strawberry.Kahit anong Strawberry flavored na pagkain na masarap ang pagkaka-strawberry gusto ko.Tinapay,Ice cream,inumin at kung ano-ano pa..

4.Pangarap kong ipa-laserlight hair removal ang kili-kili ko.isipin mo,habang-buhay ng hindi tutubuan ng buhok ang kili-kili ko?kaya lang mahal.haha.

5.Paborito ko ang Tocino.Kahit na di sya Strawberry-flavored.

6.Gusto ko pumayat ng 20 lbs.Kasi naman....

7.Iyakin ako sa mga pelikula.Kahit na lovestory, comedy, happy ending, sad ending, horror, o cartoons parati ako naiiyak.

8.Hindi ako naninigarilyo o umiinom.Sinubukan ko na.Hindi ako nasarapan.

9.Hindi ako nag-uunan kapag natutulog.Ewan ko ba kung bakit.Mas komportable lang yata ako pag ganun.

10.Kapag umiinom ako ng juice o ng kahit ano pa man gusto ko maraming yelo.Kung tubig naman kailangan sobrang lamig kundi hindi ako nasisiyahan.

Wala lang..Ahaha

No comments:

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin