kung saan niresetahan sya ni Dr.Aquino ng Amoxycillin dahil namamaga raw yung lalamunan nya.Alvin and I decided to go out for dinner.Minsan na lang kasi kaming lumabas na family tapos monthsary pa namin..haha.Kaya kahit na nagdilim ang langit at umulan ng malakas,hala!, sumakay kami ng taxi papuntang SM The Block.
Nung isang araw pa rin kasi nag-crave si Alvin ng Ramen kaya sa Kimono Ken na lang kami kumain.
We ordered Shoyu Ramen, Bacon and Asparagus Maki, Ebi Tempura and Beef Teriyaki .
I wasn't able to take pictures kasi medyo busy...si Ykaie kasi.Akalain mo ba naman bago kami kumain nag-poopoo?? Ahaha, buti na lang may sariling banyo ang Kimono Ken.
Kaya medyo pagapsensyahan na ang mga pictures..Naghanap lang ako ng mga kamukha...
Well, certainly was cheat day na naman.Buti na nga lang sa South Beach Diet madaling bumalik on track. Eto,Day 1 na naman.Hehehehe.
Hay,ang sarap talaga ng family dinner.
Si Ykaie,gustong-gusto yung soup.Kaya lang siguro medyo masakit pa rin yung throat nya kaya konti lang din yung nakain.Di nya nga gusto yun Tempura eh.Normally pa naman matakaw yun...
Siguro,na-miss din ni Alvin yung mamasyal kaming family kasi gusto nya magkakadikit kaming tatlo habang bumababa ng escalator.Buhat nya na nga si Ykaie,akbay pa nya ko..
♥♥♥ Awwww
No comments:
Post a Comment