Hindi nga ako napuyat sa shop,kaya lang maysakit si Ykaie kahapon.Namerwisyo na sya simula 1am.kaya heto,kulang na naman ako sa tulog.I assumed yesterday na yung sinat nya eh side effect nung measles vaccine last last week.Sabi kasi nung pediatrician,it's possible na lagnatin sya after 7-10 days,as a side effect nung vaccine.Pero kaninang mga 3am,parang there's something na masakit sa mouth nya.I'll take her to the hospital later.
Grabe, super hirap ng feeling kapag ganito.Kapag mommy ka,you know you can do anything for your child.Kahit di ka na matulog,kumain o anu pa man.Ang hirap yata nung antok na antok ka na tapos pinapa-tahan mo pa si baby,reassuring her that you are with her and everything will be okay.O kaya yung antok na antok ka na pero kinukuwentuhan mo pa si baby ng masasayang kwento para lang malibang sya to take her mind off the things that are hurting her. You try to sound upbeat but inside naaawa ka sa kanya.Hindi mo kasi alam kung anong masakit sa kanya.Kung pwede nga lang na ilipat na lang sayo kung ano man yung nararamdaman nya,gagawin mo.
I got scared kasi antok na antok na ako kagabi...what if makatulugan ko sya tapos biglang tumaas yung temperature nya?What if buhat-buhat ko sya tapos madapa kami or mahulog sa hagdan? What if di ko sya nare-reassure that I'm there for her ?
But everything turned out fine.Bumaba na yung temperature nya.Ayun,she's sleeping with her lola now. I had to get up at 8am because I had to open up the computer shop.
Yung mag ganitong experiences? It's wonderful and scary at the same time.
No comments:
Post a Comment