Thursday, November 13, 2008

Pandesal at Kape

 
Nakagisnan na nating mga Pinoy ang pandesal at kape tuwing almusal. Minsan ang pandesal ay may mantikilya pero kahit walang palaman at isawsaw lang sa kape ay ayos na. Kasama na rin ng pandesal ang kababayan, putok, pan de coco at pan de regla.

Noong kamakailan lang ay tumaas ang presyo ng pandesal dito sa Pilipinas kasabay ng pagliit ng mga binebentang pandesal sa panaderya. Ngayon daw kahit bumaba na ang presyo ay hindi bababaan ng mga panaderya ang presyo bagkus ay lalakihan na lang nila ang mga binebentang pandesal.

Dati rati'y P0.50 lang ang isang pandesal.Ngayon ay P2.50 na.Ang mahal!

Magandang Huwebes mga Ka- LP!!

7 comments:

Tanchi said...

maganda ito:)
pandesal..
favorite morning passtime:)

pero ngyon bihira na lang ang maglibot na nagtitinda ng pan:)

maligayanG LP

Anonymous said...

Hala, ginutom ako sa champorado entry ni T. Julie..ngayon naman gusto ko din ng pandesal!

titigil muna ako mag bloghop kasi baka kung ano na naman makita ko, nag aalburuto na mga laga ko sa tyan he he!

Happ LP!

Anonymous said...

Mmmmm. Napakasarap na almusal nito! Mainit na pandesal sabay isasawsaw sa kape. :)

Mommy Liz said...

Sarap talaga ng kape at pandesal, traditional breakfast sa atin. Noong huling nandyan ako sa PInas, P1 ang isang maliit na pandesal eh, as in bite size, kaya nga 15 pesos ang nakakain ko, hahaha..Lagyan ko ng dairy cream na natutunaw sa init ng aking tinapay..sarap!

Anonymous said...

ah yes, pandesal at kape. pinoy na pinoy. :) happy LP.

Anonymous said...

waaah! trying hard ang pandesal ko dito sa down under...sariling sikap na lang talaga.

naku ang mahal na pala ng pandisal sa atin...gaano naman ang laki o liit nya?

sana po'y madalaw nyo din ang aking mga lahok sa: Reflexes at Living In Australia

Anonymous said...

ay naku, isa rin iyan sa mga nakagisnan ko! mas masarap siyempre kung may mantikilya yung pandesal. :)

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin