Monday, November 30, 2009

Ykaie, the food blogger

Paborito kong laruin dati ang pingan-pingganan at lutu-lutuan. Ngayon, ito rin ang paboritong laruan ni Ykaie. Kanina hawak nya ang mga maliliit na kaldero at sandok, hinahalo-halo nya ang mga maliliit na ipit nya sa buhok at sapatos ng Barbie na bigay ng Ninong nya nung birthday nya. Noong "luto" na yung ipit at sapatos, ipinuwesto nya na ang mag kaldero, sabay kuha ng laruang camera. Aba, piniktyuran ang mga niluto nya.....hahaha

Ginagaya ako! Food Blogger din...hahaha. Palibhasa nga'y yun ang nakikita nya sa akin kaya ganun din ang mga ginagawa nya....Tawa ako ng tawa....This made my day....

3 comments:

Mom of Four said...

Eventually, panay na rin ang punta nyan sa resto dala ang camera phone nya, wahahahaha!

Dj MariƱas said...

Little Peachy talaga si Ykaie

Anonymous said...

Ahahahaha sooo cute, nakakatuwa naman pag ganyan na ang bebe mo idol si mommy ;) - Arny

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin