Monday, April 12, 2010

Isa na namang pangyayaring kakaiba....

Kaninang hapon, dahil hindi masyadong busy ang shop ay nakikipag-chikahan ako kay Teacher Hazel sa labas. maya-maya, may lumapit na isang kalbong lalaki at ang sabi: "ate, saan ba pwedeng umihi dito?"
Ako naman, dahil sanay na sanay na sa ganoong bagay ay pinayagan kong umihi sa CR ng shop. Ang katwiran ko kasi kesa naman sila mag-ihian sa gilid ng shop na pumapanghi at naamoy ko, eh di doon na lang sa CR.Gaano na lang ang makukunsumong tubig noon sa pagbuhos.Ang bait ko, ano?

Aba, nakaraan na ang limang minuto, hindi pa lumalabas ang punyemas. Sabi ko sa pamangkin ko na si kakay,hintay ka ng 2 minutes tapos katukin mo. Impossible namang pagkatagal nya umihi at hindi naman sya babae. Ito namang kakay, saksakan ng hinhin at ang pagkatok sa pinto parang nangangalabit lang. Hindi ako nakatiis at binuksan ko ang pinto. Ang tinamaan ng lintek! nakahiga sa sahig ng banyo at hubo't hubad. Ang nakakalurky pa, maliligo raw sya. Ang taray ng loko.

Ay, may toyo ito, sa isip ko. Hinahamon ako. Eh may toyo rin ako at pumapatol ako sa may toyo. Hala, kinuha ko yung pamalo naming bakal at sinigawan ko ng bonggang-bongga. Pinapalabas ko ng CR. Namura ko pa nga sa sobrang gigil ko.

Inawat nga ako ni Teacher Hazel at  ang sabi sa akin baka raw kung anuhin ako nung toyo. Naisip ko, oo nga ano.... pero hindi ko na maawat ang inner Maton-slash-Amazona-slash-Pulis ko. Pumasok ako ng bahay at naghahanap ng asido, maraming yatang asido ang nanay ko. Pina-panglinis nya ng banyo namin. I am absolutely sure, na ke sira-ulo o hindi, sigurado sa asido tatayo sya sa sahig ng banyo.

Buti si kakay tinawag si Kuya Olan at nakuhang takutin ang toyo sa pamamagitang ni Baldo, aso nyang fake ang pagka-maton. Physically scary lang. Hala, mas magaling pang tumahol si Kuya Olan kay Baldo. Si Kuya Olan na nga ang tumahol para kunwari tumatahol si Baldo.

Sabi ni ate, sana daw ay kinunan ko yung Toyo para nai-blog.......hindi ko na nga naisip at gusto ko eh hatawin nung hawak kong pamalo. Maghumiga ba ng nakahubad sa banyo?? Total Eeewwness...

2 comments:

simply kim said...

sobrang kaka-lurky naman nyan! pero ang galing mo ha, buhay ang loob mo, kasi kung ako maatakot ako.. next time itabi mo na yung asido para madaling abutin, hehe..

Bambie dear ♥ said...

parang action ang scenario nito at super eww talaga.. ano ba lasing ba yung lalaki na yun or may toyo lang talaga? nakaka-lurky nga lol (pahiram ng expression mo hehe)

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin