Friday, April 16, 2010

Puyat ako lagi...

Hanggang ngayon ay hirap pa rin ang lola nyong makatulog sa gabi. Habang-buhay na yata akong matutulog ng ala-una ng madaling araw. Dalawang magkasunod na gabi na akong may-I-nood ng pelikula ni Victor Neri sa Cinema One. MY gas! Tawa nga ng tawa si sis at ang sabi'y di na daw uso si Victor Neri..hahaha.

Oo nga naman. May point ang loka, kaya lang wala naman akong magawa at iyon lang ang medyo kapano-panood. Si Victor Neri at si Eddie Garcia....o diba??hehehe..

Bukas makalawa baka mga pelikula naman ni Ramon Revilla and mapanood ko...

1 comment:

Bambie dear ♥ said...

lol buhay pa pala si victor neri.. enjoy na lang tutal weekend naman eh hehe

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin