Saturday, July 11, 2009

Bakit kaya ako tinatamad ngayong araw na ito?

Siguro kasi kulang ako sa borlogs kagabi?  Paano naman si Ykaie, andameng nilamon kahapon. Naimpatso yata at kagabi hindi makatulog, iyak ng iyak. At nung bandang alas-dose na ng gabi biglang nyang isinuka ang Pacific Ocean! Juice ko! Syempre ako bilang tanging-ina ay hindi na makatulog/ hindi natulog at binatayan sya kagabi. Okay na naman sya kanina at normal na ulit ang level ng katakawan nya.

Kailangan ko na rin maligo. (Eeww!) hahahaha..Nilalangaw na ako dito sa shop. hahaha,kadiri ako no?


Nabusog ako sa pansit na niluto ni Tita Eva. To think na may patola ito and I super duper mega hate patola. At take note ang patola pa na nakahalo sa pansit ay senior citizen? Gosh, kitang-kita ang wrinkles.

Gusto ko sana magluto kanina nung Chinese Pork Adobo na napulot ko sa kaklase ko nung elementary kaya lang tinatamad ako bumili sa palengke ng baboy. Bibili din sana ako ng dustpan at doormat dahil yung dustpan ko nasira na tapos anlakas naman sa doormat kapag umuulan.Eto,hanggang ngayon things to buy pa din ang mga ito.

May pictorial sana kami nung star anise kaya lang may lakad daw sya..hala, di ako sinipot!


AT WALANG RESTAURANT CITY KANINA PANG UMAGA!!!! 


EEYYNNGG??!! Ang gara ng araw ko!

No comments:

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin