Friday, May 8, 2009

Ang butlig...bow!

Dinala ko ulit si Ykaie sa San Lorenzo Women's Hospital kanina dahil ilang days ng umiinom ng gamot eh ganun pa rin at parang dumadami pa ang butlig. Mega sama pa ang doting Lola Eva. Buti nga at nandun din yung pedia nya na si Dra. Neri. Hala, aloof na si Ykaie sa Tito Noel nya. Nakahalata na yata sya na sa tuwing makikita nya si Tito Noel ay hindi pasyal ang ipinunta namin kundi masasaktan sya. (kagaya last time na na-injection-an sya).

Umiyak noong tinitingnan pa lang ni Dra. Neri yung mga butlig at lalong nagpalahaw ng iyak noong kunan ng dugo for laboratory check-up.

Iche-check din sana yung weewee nya kaya lang eto na naman kami at pahirapan sa pagkuha ng weewee. Yung weewee bag di na naman masalo ang weewee nya. Bumili si lola Eva ng Zesto para uminom at mapabilis ang pag-weewee.Inabangan ko na nga ng cup at kako ay mas madali dahil ayaw ni Ykaie mag-weewee at naiilang sa bag. Hindi ko naman masalo at tumatakbo ayaw mag-weewee sa cup..hahaha.

Eto,to follow ang Urinalysis,Si Lola eva daw ang mag-aabang bukas..hehe

1 comment:

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin