Thursday, January 7, 2010

LP: Makapal

Ang ganda ng tema. Nakaka-tukso na ipang-okray. Kung may litrato nga lang ako ng taong ito ay siguradong sya ang ilalagay ko dito sa aking lahok at lalagayan ng caption in big bold letters: MAKAPAL ANG TAONG ITO....hehehehee
Kaya lang ay wala, kaya iba na lang ang lahok ko..

Kahapon ay nakuhanan ko ang aking 2 taong gulang na anak na pinaglalaruan ang walis at dustpan. Malinis na ang daan at wala naman syang dapat walisin.

Siguro sa kanyang paglalaro ay na-iimagine nya na makapal ang alikabok o kalat sa paligid kaya walis sya ng walis.

ito ang aking lahok para sa.Magandang Huwebes!

4 comments:

julie said...

Ang cute!

(alam mo pareho tayo ng nasa isip naa pang-o-okray, hahaha)

happy New Year! :)

Joy said...

Pare-pareho ata tayo ng mga naisip na pang-o-okray. Hahaha.
Sana hanggan sa paglaki nya, mahilig pa rin sya magwalis. Hehe

Magandang araw! Ito ang lahok ko: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2010/01/lp-makapal-thick.html

Mom of Four said...

ang cute naman ni Ykaie, ang kapal ng buhok, ahahaha! ang sipag, parang mga anak ko, mahilig magwalis, kaso yugn kalat lalong kumakalat, heheh..

Ebie said...

Wow Peach, ang laki na nga ni Ykaie! Ang bilis ng panahon. Sana maging ganito siya kasipag pag laki niya!

Happy New Year at Happy LP!

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin