Tuesday, January 5, 2010

The Biggest Loser

At nai-announce ko na nga sa lahat ang unang-una sa listahan ng New Year's Resolution ko-- ang MAGPAPAYAT. at tulad ko marami ring gustong pumayat sa mga kamag-anak ko kaya naman sa paghahanap ng karamay para ma-inspire kaming lahat ay nabuo ang isang project[slash]contest[slash]wala lang.

Tsarann! Magpapalakihan kami ng nabawas na timbang mula Januray 2 hanggang March 2. Mag-cocontribute kaming lima ng tig-P1,000 at kung sino ang may pinakamalaking nabawas sa timbang ay sya ang kukuha ng pot money na P5,000. Hanep sa motivation ano?
Ang mga kasali-- Syempre ako, si ate Thess, Si Kuya Meme at ang kanyang wife na si Bek.Kasama rin si ate  pero katulad pa rin ng dati, ayaw nya magpa-picture kapag haggard-looking sya...

...pero na-ispatan pa rin sya ng aking camera na tumatakbo palabas..hehehe [litrato nya ang naklagay dito dati pero sadya nyang pinaalis kapalit ng pagpapa-masahe sa akin sa The Spa.hehehe]
ANG MGA TIMBANG NAMIN:
Ate - 148 lbs.
Ate Bek - 158 lbs
Ako - tumataginting na 166 lbs
Ate Thess - 184 lbs
Kuya Nomer - 191 lbs

Susko, ang laki ng na-gain ko this year. Naloka ako nung makita ko ang weight ko sa weighing scale.Hay, para tuloy ayoko na kumain....Chos! Hala, Diet!

7 comments:

Mom of Four said...

Ay, maganda yan, wag lang masyado sa rice, softdrinks, ice cream at ehehehehe...naku, laki pala ng premyo, mag diet ka na talaga Peachy. 166 is not bad, si ate Anney pala pinaka payat eh, kaya nyo yan..

++MIRA++ said...

umm...yeh..lol. u need to have a google translator on ure site.unless u do and i didnt see it. all i know its about losing weight and im all for that!

Anney said...
This comment has been removed by the author.
Dj Marinas said...

go peachy go ! kaw bet ko na manalo dyan, kasi sabi mo bblow out mo ko e, he he. :-D

Anney said...
This comment has been removed by the author.
Anya said...

pwede ba makahingi ng picture ni anney, lalagay ko din sa blog ko para ayain nya din ako mag-spa kapalit ng pag-aalis nun, hehe.

and the game, este diet begins...

eds said...

haha ang saya nman ng game nio. nakakamotivate nga.. kaya pala panay din ang motivate mo sa sarili mo sa facebook, me pot money palang naghihintay. karirin mo na nga peachy.. sayang ang 5k malaki- laki na rin yan.. pero wag lang masyado di kakain at baka nmn magkulang pa pampahospital hehe

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin