Saturday, February 12, 2011

Chismosong drayber

Noong isang araw ay nanood kami ng sine ng mga in-laws ko. Niyaya namin sila ni Ykaie na manood ng Tangled. In fairness, ang ganda ng Tangled at dahil iyakin nga ako, eh naiyak ako noong bandang ending na. Noong saksakin ng mother-mother-an ni Rapunzel si Flynn/Eugene ay sabay kaming umiyak ni Rapunzel...hahahaha..feelingera ako.

Anyways, sumakay kami ng taxi pauwi. Syempre, chikahan pa din habang nasa taxi. Noong malapit na sa amin ay bumaba na ang mga ILs ko. Nagco-commute kasi sila pauwi at bihira ang mga taxi na naghahatid doon. Si manong na taxi driver,chismoso....

Chismosong Driver: Kasundong-kasundo mo ang mga byenan mo ano?
Ako: {Napilitang chumika} Oo nga ho. Mababait nga ho sila.
Chismosong Driver: Bihira yung ganyan... ako nga yung byenan ko blah blah blah.. at blah blah pa..

....at naglabas na si manong ng lahat ng sama ng loob nya sa kanyang byenan....
kaloka si manong.. kailangan yata nya ng shoulder to cry on....


Chismosong Driver: ah siguro sa manugang na babae mababait ang mga byenan..
Ako: Ay naku, hindi ho ..ako ho may kakilala na di magkasundo ang byenan at manugang na babae

Oh diba ako naman ang chumika at close na close kami... kalurky talaga..
Sana daw sa susunod ay maisakay ulit nya kami...may pagka-feeling close na may pagka-scary si manong...

The End.

2 comments:

Kate said...

hahahaha! nakakatawa naman :D

Jiashi B. said...

hahahahaha natawa ako sa shoulder to cry on! hahaha

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin