Bakit naman kasi walang nagsabi sa akin na sarado na pala ang Excelsior Spa?? My Gas Abelgas! Kagabi ay nagmamaganda pa naman kami at gustong magpa-massage ni sisterinking at ni peanutbutter♥. Hala, pagtuntong ng alas-otso ng gabi, kasama si Ykaie ay go kami at pumara ng taxi.Balak namin ay mag-dinner pagkatapos nilang lamugin ng mga masahista.
Akalain nyo ba naman na pagdating namin sa Tomas Morato ay nakita namin na sarado na ang Excelsior?? Nagtanong pa nga kami, mga 2 months na raw ito na sarado....Ano ba yun?? Di man lang ako tinext, close naman kami[joke].
Anyways, di na kami bumaba ng taxi..pinabalik na lang namin ng Caloocan ang taxi. Napagdesisyunan namin na kumain na lang sa bagong bukas na Tapa King sa gasolinahan na malapit sa Tinio St.
Tingin kami sa menu board...ano nga ba masarap kainin?? Hmmnn.. Tapa Queen ako, Tapa King si sis at si peanutbutter♥. Lapit kami sa cashier at umorder.
"mam, sira po yung gas namin. Di po kami makakapagluto, baka mamaya pa po magawa at di po kasi nila maayos-ayos" sabi ng cashier.
Nge. Susko, kamalas na gabi.Pangalawang establishment na pinuntahan namin na palpak. O siya, sige..dun na lang sa Chicken Inasal. Tutal eh malapit lang ito. Si Ykaie antok na antok na.
"Dapat sobrang sarap ng Inasal na yan huh"sabi ni peanutbutter♥ "umikot pa tayo ng quezon city para kumain dyan".
Wahahahaha.
Well, in fairness, masarap naman sya tsaka maraming nakain si Ykaie..so happy na rin kami kahit papaano..
4 comments:
haha, huwat a night nga !
my gas abelgas! funny bunny ka ha... siguro ang dami nyo nakain dahil sobrang ginutom na kayo ng pag-iikot.. yung diet nakalimutan.
Buti nga at di kayo nawalan ng ganang kumain, kasi kung hubby ko yan, ay sus, uuwi kami ng di oras. walang tyaga yun eh. Mukhang masarap nga ang inasal at kung maraming nakain si Ykaie, nagising sa sarap, hehehe..
parang nang aazar lang eh, noh? ganyan talaga.. sadyang may mga araw lang na 'hindi pasko' hehehe... happy weekend!
Post a Comment