Monday, March 22, 2010

Ewan ko kung di maubos ang mga may utang dito sa shop...

Beneficial pala itong paglalakad sa gabi. Nagsimula kasi kaming maglakad sa gabi ni sis as exercise. Habang tulak-tulak ang naka-bike na si Ykaie. Makailang gabi na kaming naglalakad at kung makailang gabi na rin akong nakakakita ng mga P#@*&^%$#!  may utang sa akin sa shop. Ito yung mga taong matagal ng di nagpapakita dahil ayaw nga magbayad. Kaliliit na halaga lang naman.

Eh kilala nyo naman ako-- di ako nagpapalagpas ng mga ganyan. Singil kung singil! Kaya naman allergic sa akin ang mga hinayupak, kapag nakikita ako bigla na lang nagsisi-iwas. Syempre ako naman, kokornerin ko para masingil. Yung iba halos mga kapitbahay ko lang pero ni hindi mahulugan ng papiso-piso isang araw ang utang kagaya na lang nitong isang baklang mukhang dragon na minsan ay may anggulong kamukha ni Barney at itong pandak na bata na napaka-angas.

Heniweys, dahil nga napagkikita ko sila sa gabi ay nakakasingil ako. Nung isang araw nakasingil ako ng P15 at may siningil ako na sana naman ay napahiya sa sarili nya dahil ang tanda nya na di pa sya makapagbayad ng P85. Hay, keber lang, bahala sila makulitan sa akin at ma-allergic ng husto. Wag kaya kayo umutang kung ayaw nyo masingil! Tse!

8 comments:

julie said...

Panalo ng bonggang-bongga ang paglalakad na yan :D

Dj MariƱas said...

Kita mo nga naman, nakapag exercise ka na, nagkapera ka pa!

arny said...

ahahha tama yan! nakakasira sa negosyo ang utang... buti pa eh si barney para makabayad eh pagsayawin mo na lang ng "I LUV U, U LUV me...." sa birthday ni Ykaie :P

Mommy Liz said...

Ganyan ang mga may utang, sila pa ang galit kapag nasingil. Hehehe, nabawasan ka na ng timbang, nabawasan pa ang pautang. Oh eh lakad na gabi gabi...

kimmy said...

Kaazar yang mga yan noh? Gusto lang masarapan... Kaya ako hindi naglalakad sa gabi eh, baka masingil din ako, hehehe...

Anonymous said...

ay naku yang mga tao talagang ganyan, ang tawag jan sa ganyan balasubas kampon ni barabas, at wag ka na kc pautang. post mo jan PAY AND PLAY NO PAY NO PLAY...

Azumi's Mom ★ said...

Go sis, hay nako nasa pinas tayo kaya walang pini piniling oras ang pagsisingil haha.. goodluck sa walking nyo ha, yan ang pinaka magandang exercise, good for the heart din at nakakapayat.. ako dito lang ako natutong maglakad, nakakapagod sa umpisa pero pag sanay na, sarap.

anney said...

wahahah! Grabeysius sa pag describe ng mga may utang ha!

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin