Tuesday, March 23, 2010

Ang Stepper......[BOW]

Ilang araw ko na rin ginagamit tong mini-stepper na ito at talagang ginagamit ko naman sya. Uy serious ako huh? Pramis. As in. Dito ko ibinubuhos ang aking malalamig na gabi..hahahaha.joke lang. Ang inet kaya pag gabi, tapos pag nag-stepper ka pa super tagaktak ang pawis mo...

Dati masipag talaga akong mag-exercise...kaya lang nitong lumaon, syempre wala ng time tapos lagi ka pang pagod..mommy life takes over---kakatamad. Na- realize ko lang na dapat akong mag-exercise kasi napansin na super dali ko nang mapagod at hingalin.Suske, baka di ko mahabol si ykaie pag nagtatakbo at tinakasan ako...So, I decided to spend my money on a stepper. Kasi hindi naman ako nakakapag-treadmill kahit na may treadmill kami at talaga namang nakakatamad sya gamitin.

Kasabay ng stepper, I also use dumbells tsaka yung Ab Trainer na binili namin ni ate nung highschool pa ako. P1,500 ang halaga nun pinaghatian pa namin. In fairness, sobrang gamit na gamit yon hanggang ngayon. Sulit na sulit ang P1,500 na ibinili namin.

Isa pang reason kaya ako bumili, para isabay sa food blog ko. Para naman medyo balanse, food blogging at exercise...diba ang saya?

Sana naman um-effect ito. ka-career-in ko talaga ito, pramis!

7 comments:

Mommy Liz said...

hanggang kelan kaya tatagal ang excitement mo sa stepper na yan. hmmm.. yung treadmill ko rin, inaalikabok na, nakakapagod gamitin eh, hahahaha..pati yung sexercise bike ko, tanggal na nga anng cadena, di man lang natuluan ng pawis ko..

Uy, goodluck ha, sana mag work..kakahingal nga kapag kulang sa exercise.

Me said...

pwede ko bang hiramin ...? gusto ko ring magkaroon nang ganyan kaso baka after one week ilalagay ko lang sa tabi....hehehe

beakoluvko said...

uyy i have one like that hehehhehe... Kaso nga nakakatamad din gamitin minsan... I also use sometimes heheheh ung nintendo WII ung EA sports active hehehhe its like havign a trainer at home maganda din sana wag ko din pagsawaaan. heheh GOOD luck sa atin.

angel maia said...

Wow, tama yan, food blog and exercise is a better, and healthier alternative.

May na basa nga ako about how hollywood stars get back to shape after pregnancy, (aside from other things they do to maintain their bodies) like, Denise Richards, she gets up at 5am every morning to work out doing lots of cardio. Cyempre kailangan din ng disiplina... pero once you see the results, talagang it would motivate you din, di ba?

Good luck... =)

nice A said...

aba mukhang maganda yang stepper mo ah.sakin nman ang lawak ng katabi naming park minsan di pa rin nkakapag-jogging dahil sa sobrang busy nga at minsan tinatamad din hehehe! kaya ginagawa ko naglalakad na lng papunta workplace at pauwi ng bahay pra naman meron ako exercise araw-araw.
salamat nga pala sa dalaw:)

Dj MariƱas said...

wow naman bff! todo na ito. supportahan kita dyan. 1m% hehe.

Manang Kim said...

Ganda nang color at maganda din yang exercise na yan tapos gawa nang food blog balance na balance talaga Mommy Peach hehe. Skipping rope ang pinagkaka-abalahan ko ngayon, hubby won't allow na pupunta ako sa park para mag walking2x eh marami din ditong pyscho. Thanks sa bisita!

LP ~ Plastic/Plastik

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin