Showing posts with label tawa lang. Show all posts
Showing posts with label tawa lang. Show all posts

Saturday, August 21, 2010

Nail polish for the......eyebrows??

It's the usual morning today...
gumising....
nag-toothbrush...
naghilamos...
naglinis ng shop...
at pagkatapos kong maglinis ng shop....
...nakita ko si ykaie na naglagay ng fuschiang nail polish sa kilay! 
Susme! Ang aga-aga. Gusto kong humagalpak ng tawa. Mas matindi pang pampa-gising sa kape. Di ko alam kung anong pumasok sa isip nya at naisipang ilagay ang nail polish sa kilay nya. Di ko alam kung paano ko pipigilin ang tawa ko, pero pinilit kong mag-seryoso dahil hindi nya ako seseryosohin kapag pinagsabihan ko sya habang tumatawa ako.
Want a closer look?? hahahahahahahahaha..
Buti na lang kiddie nail polish lang yun at natatanggal ng water lang...

an entry forPhotobucket  .

Saturday, April 10, 2010

EPAL?! Epal Juice?!

More Like Epal Soda...hekhek... Di masarap. Lasang Beer... Gusto mo ng Epal??

Ano nga ba ang EPAL?  Ang EPAL ay isang tao na sabat ng sabat pero di naman kausap. Nagbibida. Masyadong mapagmaganda.

May kakilala ba kayong....ma-EPAL?

Friday, March 5, 2010

Huwat a Night

Bakit naman kasi walang nagsabi sa akin na sarado na pala ang Excelsior Spa?? My Gas Abelgas! Kagabi ay nagmamaganda pa naman kami at gustong magpa-massage ni sisterinking at ni peanutbutter. Hala, pagtuntong ng alas-otso ng gabi, kasama si Ykaie ay go kami at pumara ng taxi.Balak namin ay mag-dinner pagkatapos nilang lamugin ng mga masahista.

Akalain nyo ba naman na pagdating namin sa Tomas Morato ay nakita namin na sarado na ang Excelsior?? Nagtanong pa nga kami, mga 2 months na raw ito na sarado....Ano ba yun?? Di man lang ako tinext, close naman kami[joke].

Anyways, di na kami bumaba ng taxi..pinabalik na lang namin ng Caloocan ang taxi. Napagdesisyunan namin na kumain na lang sa bagong bukas na Tapa King sa gasolinahan na malapit sa Tinio St.

Tingin kami sa menu board...ano nga ba masarap kainin?? Hmmnn.. Tapa Queen ako, Tapa King si sis at si peanutbutter. Lapit kami sa cashier at umorder.
"mam, sira po yung gas namin. Di po kami makakapagluto, baka mamaya pa po magawa at di po kasi nila maayos-ayos" sabi ng cashier.

Nge. Susko, kamalas na gabi.Pangalawang establishment na pinuntahan namin na palpak. O siya, sige..dun na lang sa Chicken Inasal. Tutal eh malapit lang ito. Si Ykaie antok na antok na.
"Dapat sobrang sarap ng Inasal na yan huh"sabi ni peanutbutter "umikot pa tayo ng quezon city para kumain dyan".
Wahahahaha.

Well, in fairness, masarap naman sya tsaka maraming nakain si Ykaie..so happy na rin kami kahit papaano..

Wednesday, January 13, 2010

May ganito na pala...


Nadaanan lang namin ito minsang pauwi kami galing mall.Nakakaloka! May eBurol na pala? Pwede ka na makipag-lamay online. Antaray ano?

Tapos, from the creators of eBurol comes another first............. may eLibing na rin....Lahat na lang ba can be done online????

Monday, December 7, 2009

Two Controversial Letters

Just in!! I have two controversial letters for you.First one I grabbed from Mary the Teach. Its:

Little Johny's Letter to Santa (edited for the family)


Looks like Little Johny's vocabulary has expanded!

Second is this, because of Facebook:


O ano? nakaka-relate ka ba?

Wednesday, October 14, 2009

Wish I thought of this first...


This wedding is amazing....very cool.......................very very cool...

Thursday, July 9, 2009

Movies to Watch

Sinend lang sa akin ito sa e-mail at natawa ako kase................ANG GARA!!!

 
OO nga naman...
 
  
  
  
  
Totoo kaya??
 
Natawa talaga ako dito...pramis.
 
 
Panget!

Wednesday, June 10, 2009

Yummilicious si Father..


Ahahahaha..dyahe....

Thursday, June 4, 2009

Cream of Mushroom Soup

Kapag ganitong nag-uuulan ay masarap ang humigop ng mainit na sabaw pero dahil busy ang ating iskeydyul mahirap na magluto pa para i-almusal kaya instant na lang. Buti na lang at available na ang mga instant soups sa market.

Mga paraan sa paggawa ng Cream of Mushroom Soup:
  • Kumuha ng mga kabute mula sa tuyong puno sa likod bahay
  • Gatasan ang alagang baka
  • Kumuha ng isang pakete ng kahit na anong brand na gusto nyo na Cream of Mushroom Soup.
  • Kumuha ng maliit na lata ng kabute at hiwa-hiwain ito. Pwede ring wala nito kung chipipay nagtitipid kayo.
  • Dahil isa lang akong kakain ay kalahati lang ang ginamit ko. 
  • Kumuha ng maliit na kaldero at ihalo ang kalahating pakete sa isang tasang tubig.
  • Kumembot habang hinahalo para masaya.Ipagpatuloy ang paghalo hanggang sa matunaw ang lahat ng powder at humalo sa tubig.
  • Buksan ang kalan at isalang. Ipagpatuloy ang paghalo hanggang sa kumulo.Kailangang tuloy-tuloy ang paghalo dahil kung hinde ay maninikit ito sa kaldero.Hindi sya sasarap.
  • Kapag kumukulo na ay ihalo ang hiwa-hiwang kabute.Samahan ng pagmamahal.
  • Pakuluin ng 30 segundo.Amuyin.
  • Isalin sa tasang cute.
  • Higupin habang ninanamnam ang lamig ng panahon.
hahaha..wala akong magawa.Masaya lang ako ngayong umaga at gusto kong mangulit.Ang totoong instruction po nasa likod ng pakete ng instant cream of mushroom soup.

Good Morning!

Saturday, May 30, 2009

Swine Flu After Effect

Nakuha ko ito sa e-mail. Ito daw ang nangyayari sa mga taong nagka- Swine Flu.

 
Ahahahahahahaha

Tuesday, October 7, 2008

hahahaha

Anu daw???? Smoked Visitor??? Wag daw kayo manigarilyo sa loob dun daw in the outside smoking section that you cannot smoke in.....hahahaha natawa talaga ako dito.. Laughter  

Another funny pic here

Thursday, July 10, 2008

natawa naman ako dito...




hahaha...
Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin