Showing posts with label chocolates. Show all posts
Showing posts with label chocolates. Show all posts

Tuesday, September 22, 2009

Cacao


peanutbutter and I had our usual lunch out today kasabay ng pagbili ko ng headset para sa shop. Before kami kumain ay napadaan kami sa chocolate shop at dahil pareho kaming nuknukan ng hilig sa chocolates ay para kaming mga langgam na hinatak papasok ng shop.


Jellybeans


Una naming napag-diskitahan ang Chocolate Covered Almonds which is one of their bestsellers. I think it was P75 for 100g pero sulit naman dahil masarap. Gusto ko na nga bumili ng isang kilo at tabunan si peanutbutter na kupit ng kupit habang naglalakad kami. Halos ubusan ako ng loko.(peace tayo...hehe).


Pagkatapos namin bilhin yung chocolate covered almonds ay nabaling ang atensyon namin sa estante ng tsokolate. Susko! ang sasarap ng flavors! hmmnn..magkano naman?!


P24.90/10grams or P50/pc, my gas pulgas! medyo nakakalula ang presyo at hindi naman rich ang lolo at lola nyo.Sinkwenta pesos para sa isang piraso ng tsokolate? Eh 2 balot na yun ng chocnut o kaya 1 balot ng M&M's, may sukli pa. O siya, para naman hindi masayang ang lahat at dahil sadyang matakaw talaga kami ay bumili kami ng tig-isa ng gusto namin. Isang piraso ng Chocolate Peanutbutter Cups para kay peanutbutter at isang piraso ng Chocolate Covered Cherries para sa akin. (P112). Haayy, feeling ko babalik ako para bumili ng 3 Chocolate Covered Cherries

hmmmnn..iba't ibang flavors ng Chocolate Body Frosting?! Parang ang saya nito ah. Kailangan meron ako nito sa susunod na bakasyon namin...hahahaha.[DJ, oh..baka gusto mo bumili? ahaha.]


Nag-aala Mr. Bean at ginugulo ako habang namimiktyur..hahahahaha

At syempre, sya ang namili ng kakainan : Marina



Cacao
2nd Level 
SM, The Annex
North EDSA

Tuesday, September 8, 2009

I bet peanutbutter♥ will love this!

Imagine melt-in-your-mouth-doughnuts with snickers bits on top!!
Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin