Friday, July 30, 2010

Who is SALT?

The other day, I was one of the privileged few to see SALT for free...that's me in blue..lined-up to get my tickets. There were three tickets so I brought my cousin, Rome and my sis, Anney. {who are these people--Rome & Anney?}
The event was sponsored by Nestle Heaven Ice Cream...there was free ice cream! Yay!
We had Vanilla Almond Secret, Belgian Chocolate Bliss and Strawberry Dream. We also bought some popcorns and lemonades.
Angelina Jolie does it again and proves she is not just a female action star but an action star! This movie reminds me of a James Bond movie, only bolder... and sexier. I would definitely be waiting for a sequel.
There was a q&a portion before the movie and I was also lucky to win...heehee..it was a giveaway. Do you want to know what's wrapped inside that cute package I was holding?
 Nestle yummies!!!! Thank you so much Nestle and Nuffnang! We had a really great time!

Wednesday, July 28, 2010

Food Questions

May nadekwat akong mga tanong sa internet na mukhang masaya sagutan....kung gusto nyo sagutan nyo rin para masaya tayong lahat.

Ano ang iyong almusal kanina?
Kanina? Kape at taho..katulad ng araw-araw kong almusal. Sana bukas maiba naman, may magluto sana para sa akin ng eggs benedict o ng iba pang sosyal almusal.

Ikaw ay may itlog — nilagang itlog. Paano mo ito kakainin?
1. Ipupukpok ang itlog sa mesa hanggang mag-crack. 2. Himayin ang balat. 3.Isawsaw ang itlog sa asin. 4.Kagatin. 5. Nguyain. 6. Lunukin. 7. repeat from step #3 hanggang maubos.

Ano ang paborito mong local na junkfood?
Dahil matakaw ako, marami akong paborito pero ang pinaka-paborito ko ay yung Nacho, yung kulay blue. Paborito ko na yon bata pa ako. Noong bata pa ako ang gusto ko sanang maging paborito ay yung Jack&Jill Potato Chips kaya lang ay medyo may kamahalan ito at hindi ma-afford ng baon ko nung grade 3 na limang piso.

Ikaw ay kinuhang TOP CHEF sa isang engrandeng pagtitipon. Ano ang iyong ihahain sa mga bisita? (Note: Ang mga pagkain na ihahain mo ay ang mga alam mong lutuin. Bawal magsinungaling)
Top Chef? Engrandeng pagtitipon?? Hmmnn... Mga sosyal ba ang a-attend?? Pwes, hahainan ko na lang sila ng mga pagkaing kalye para mas lalo nilang ma-appreciate

Appetizer: Pritong Baga o kaya Betamax
Main Dish: Beef Pares
Drinks: Palamig
Dessert: Dirty Ice Cream o kaya Popcorn
{click nyo na lang para makita nyo}

Kung ikaw ay makakain sa restaurant ngayon din, saang restaurant ka pupunta at bakit?
Kung ikaw ang magbabayad: Sa TGI Friday's, sa Sala o kaya sa Dusit Thani.
Kung ako ang magbabayad: pwede na dun sa Aling Sabel's Restaurant and Sing-Along dyan sa kanto...
Siguro naman di ko na kailangang sabihin kung bakit..hahaha

Saang restaurant mong gusto makapunta, pero di ka lang nakakarating pa?
Too many to mention? hahaha..parang slumbook .Hmmnn.. wala yata akong maisagot dito sa sobrang dami ng gusto kong mapuntahan.

May pizza sa harap mo. Ano ang ayaw mong makitang topping sa pizza mo?
Patola. Ayokong makitang may patolang topping ang pizza ko dahil hate na hate ko ang patola at sya lang ang bukod tanging gulay na hindi ko kinakain. Well, wala naman talagang pizza na may topping na patola pero just in case na bangungutin ako at makakita ko ng ganun...malulurky talaga ako.

Ano ang madalas mong orderin sa Jollibee?
May two-year-old akong anak na mahilig sa chicken skin at rice. Ano pa? E di Chicken Joy. Pero kung ako lang ang tatanungin ay regular yum at Ube-Keso Ice Craze.

Paano magluto ng Sinigang? Marunong ka ba?
Oo naman, paborito kaya naming lahat yan.

Ikaw ay may fried chicken sa harap mo. Ano ang dapat niyang kapartner para masarap ang kain?
fried chicken at si peanutbutter...... hahahaha sigurado masarap ang kain ko. Seryoso?? syempre banana ketchup tsaka bagong lutong sinaing.

Kumakain ka ba ng dinuguan? Alam mo ba kung saan ito gawa?
Oo..alam na alam. Magbababoy kami dati dyan sa Sangandaan. We cook dinuguan from the freshest lamang-loob and blood available....nyahahaha

Tuesday, July 27, 2010

Day Out with Nanay,Kuya and the Kids

Cyra, Ykaie, Thea and Chellie - Minsan lang magkasama-sama ang mga magpipinsang ito na mamasyal kaya naman super enjoy sila last Sunday.
Gusto sana ni mudra na mag-lunch sa Mann Hann kaya lang since linggo yon ay hanggang baclaran ang pila ng waiting. Nuknukan ang dami ng tao. Ang mga bituka namin ay gutom na at di na kayang magtiis, kaya nag-Pizza  Hut na lang kami...hahaha. Syempre pa, nanginain kami ng Super Supreme Star Pops Pizza at Roasted Chicken.
Ang mga bata kahihina kumain.Halos kami lang din ang kumain ng mga in-order.
Nanay with Chellie and Thea
After lunch came ang favorite part ng mga kids --kiddie rides!! Super enjoy ang mga kids at super pagod ang mommy/tita {ako yon}. Nakakalurky pala ang mag-karag ng apat na bata! Pag- uwi namin parang ayoko ng gumalaw.
Wala ako sa picture kase isa sa duty ko ang maging camerawoman photographer for the day.

Sunday, July 25, 2010

CINCO

Despite the drizzle the other day, we went and and saw Cinco.
CINCO is a scary movie with five episodes. This is a horror movie you watch when you don't want to think and you just want to have fun. It's actually a horror movie with some comedy. Ykaie loved it, she was so engrossed in the movie that she sometimes forgets to eat her popcorn! hee..

an entry forPhotobucket  and .Happy Start of the Week!

Amazing Grace Amazing Birthday Contest !

To celebrate her birthday in the blogosphere , Grace is giving away the following prizes as tokens of gratitude. The contest is open locally and Internationally and commences today on her birthday ( July 22 ) and ends 43 days after. Why 43? Because it's her 43rd birthday! Lucky winners will be selected randomly through random.org . A video will be uploaded to validate it's authenticity .

PRIZES :
1st Prize :
$50 Cash thru Paypal

5,000 EC Credits
2 Domains with Webhosting

2nd Prize :
$ 30 Cash thru Paypal

2,000 EC Credits
1 Domain with Webhosting

3rd Prize :
$ 20 Cash thru Paypal

2,ooo EC Credits
1 Domain with Webshosting

4th Prize :
2,000 EC Credits

1 Domain with Webhosting

5th Prize :
1,000 EC Credits

1 Domain with Webhosting

Special Prize for US Bloggers only : 5 pcs Lip gloss Collection


Here's the mechanics :

1. Blog about the contest with the title "Amazing Grace Amazing Birthday Contest ! " and place the link of my other blogs in your bloglist : A Walk to Remember, GraciaFashioista, kids turf and A Bucket of Wisdom.
2. Return to this post and leave your comment and URL of your post.
3. Shout the Contest on Facebook.
4. Copy the Prizes , Mechanics and the the list of Sponsors below.


For Cash & EC Credits :

Josie's Files , What's Inside Johanna's Heart , My Life & My Journey Online , CDo Extreme, Just the Tip of an Ice Berg, In Pursuit of Happiness , Mom Write for a Cause , From Asia and Beyond , Sassy Chick's World , Anna's Alabama , Mix N' Match , Embracing my Past, Present and Future , , Cups and Lower Case, Foreignpinay.com, Mix and Match Online , The 3 Chies, , Home Decors & Gift , Fe's Journey of Life, Made to Worship, Moms Wish list, VivaPinay, Table for Five, Grampys World, Topics on Earth, Moms Up and Downs Gagay, Pinoy MD,Cacai M's Place, Thoughts Ideas Resources, Cacai's Steps and Journey, Sherryever.com, kissmi.info, loveandthoughts.com Hearts Content, Seasons and Seasoning, Mommy Diary, My Journey to Life., A Journey to Life, Pops Up of my Mind, , Peach and Things ,Yobib's Tales, A Perfect World, My 3 o'clock Prayer
For 6 Blog Domain and Webshosting : Caffeinated Muse , Pinay SAHM , Crayons and Pencils , Blogger's Nook, Life's Digital Moment, Easy Task Online For Beauty products : Me and My Passion,

 JOIN NOW!

Friday, July 23, 2010

To Anonymous

hahaha..ano ba ito? bakit may ganito?...

Anonymous: "Wow! Ang galing ah! Nag-email ang Nuffnang ng 5:54pm today pero nakapag-post ka na 2 hours before!? Inside job ba ito?"

hahaha.. gusto ko mang sabihin sayo na may mental telepathy ako or the power of premonition pero wala...

.....the e-mail got into my inbox at 3:36PM {click on the image to enlarge}. Baka late ka na nakatanggap? I don't think it's NN's fault either. I think it depends on your internet connection. Parang SMS din, minsan late mo na nare-receive.


MAMBINTANG BA? Nakakaloka ka!!

Nuffnang and HEAVEN Ice Cream invite you to a special screening of ‘SALT’


Divine ice cream pleasure is HEAVEN Ice Cream.

    Give in to the richest, smoothest, and creamiest by NESTLÉ Ice Cream. Revel in the exquisite goodness of its four sophisticated flavors---Belgian Chocolate Bliss, Strawberry Dream, Vanilla Almond Secret and Butter Pecan Obsession. HEAVEN Ice Cream is made with only the finest ingredients and contains no artificial food colors. Available in 800mL(Php 175) & 450mL(Php 115) tubs across supermarkets, groceries, and convenience stores nationwide.

BC Blogger 4 is Finally Here!

Do you wanna gain more friends? Are you finding it hard to gain links to your blog?

Well, why don't you join us? BC Bloggers will help your blog gain those precious inbound links in an easy and systematic way. It is also a cool way to meet friends in the blogosphere. Click on the badge for more info.


Photobucket

Tuesday, July 20, 2010

Ang cute!!

These pictures were taken at the exact same spot at Dads Resort in Malabon. The pictures on the left were taken when Ykaie was 7 months old and those pictures on the right were taken last May,Ykaie is 2 years and 6 months old that time. Look at the difference...
7-month-old Ykaie and 2-year-&6months-old ykaie na nakanganga..hehehe.
Tingnan nyo si ykaie o..bungi pa...hahaha...Dito naman sa isa she has a full set of pearly whites...
Dati kalbong-kalbo, ngayon naman sobrang dami ang kulot na buhok! How time flies..

Monday, July 19, 2010

O-BE

Ykaie: mommy, buy mo ko ng ice kem {ice cream}
Me: O sige later,buy kita, what do you want?
Ykaie: mommy, gusto ko yun O-BE
Me: Obe??
Ykaie: yun nasa cup, yun O-BE?
Me : Aaah, Ube! O sige bibili kita ng Ube.

hahahahahahaha...

VAMPIRES SUCK- Not Another Vampire Movie



hahaha..I love spoof movies! COOL!! Spoof ng Twilight!!

Sunday, July 18, 2010

Steps in Proper Handwashing

Step 1: Sumimangot    Step 2: Kailangan naka-frog sit sa lababo at may malaking pisngi
Hehehe,joke lang.
I'm teaching Ykaie how to wash her hands properly... May nakita kasi kaming procedure na naka-post sa mahiwagang salamin.

1. Wet hands and wrists. Apply soap.
2. Right palm over left, left over right.
3. Palm to palm, fingers interlaced.
4. Back fingers to opposing fingers, interlocked.
5. Rotational rubbing of right thumb clasped in left palm and vice versa.
6. Rotational rubbing backwards and forwards with tips of fingers and thumb of right hand in left and vice versa.

After ng handwashing..lakwatsa na!!!

an entry for Pixel Bug weekend button 1.

Saturday, July 17, 2010

Walang TUBEEEEEG!!!

Ano ba naman yan? Nung isang araw may topak ang internet connection tapos nawalan ng kuryente ng bente-kwatro oras {well, medyo thankful ako doon, kasi nakalakwatsa ako} tapos ngayon naman walang TUBIG?!

Ano beh? Lagi na lang kulang ang buhay.

Although, di ko naman talaga kailangan ng tubig dito sa shop, nakakainis pa rin dahil tuwing bubuksan ko ang gripo at maghuhugas ako ng kamay ay walang lumalabas na tubig. Saka ko lang maaalala na wala nga palang tubig sa gripo at kailangan ko gamitin yung tabo sa tabi ng lababo.

Parang di naman ako nakarinig ng advisory tungkol dito. May scheduling ba? Ang pangit naman kung Waterless Weekend ang drama natin....

Teka, eto, nakakalkal ako ng schedule despite the topaking internet:

Friday, July 16, 2010

Grandparents are parents with extra frosting...

Lunch time at Max's - Lunch was Kare-Kare, Sweet and Sour Fish Fillet and of course, Max Fried Chicken. I tried and kept myself from taking food pictures today. Si Ykaie, bitin yata sa tulog nya at may toyo. First time nakita nila mama na kapag umiiyak si ykaie ay tinitingnan nya ang sarili nya sa salamin. Nakakaloka...artista??
We were supposed to watch a movie kaya lang wala pang new movies that day. We ended up taking ykaie for rides.
To the bat mobile!!
Bagay sa kanya itong ride na ito,no??
The Carousel is Ykaie's favorite ride...

Thursday, July 15, 2010

GT: I Love Me♥ Mentally

Number 1 reason why I love myself mentally --dahil MENTALLY RETARDED ako..hehehe. Joke. Di naman..siguro, MENTALLY DISTURBED lang.. Natakot ko ba kayo??? Baka di nyo na ako isali dito sa GT?? Ito naman, minsan lang naman ako sumpungin...hahahaha

Kidding aside, I have three blogs.{this one, The Peach Kitchen & peach and things} at kung titingnan mo, iba-iba ang personality ng mga blogs ko. May split personality yata ako at mapapaghiwalay ko lang sila sa pamamagitan ng blogs ko. Nakakaloka, diba??

One more thing I love about myself mentally is that I'm good with faces and names. Feeling ko ipinanganak talaga ako para mag-pulis.  Para yata ito sa paghahanap ng mga WANTED PERSONS at mga crime suspects.

Ewan.

an entry for .Happy Thursday!

Monday, July 12, 2010

Ykaie and Mr. Potato Head

Since watching Toy Story 3, Ykaie has developed fondness for the characters....

Saturday, July 10, 2010

Pesto at Kangaroo Jack

Ykaie and Pesto..... they are inseparable... wherever, whenever.

Thursday, July 8, 2010

GT: I Love Me♥ Financially

Ipinanganak yata akong negosyante. Sa paglilinis ng bahay, wag mo na ako asahan dahil hate ko talaga ang maglinis ng bahay pero sa negosyo at pagkakakitaan, game ako dyan. Masarap kasi ang feeling ng may extra income bukod sa sweldo mo, diba?

"kaching! kaching!"

Noong nagtatatrabaho ako bilang isang barista/supervisor sa isang coffee shop sa Manila  ang sideline ko ay ang magpahulugan at magpa-utang. Nagpapahulugan ako ng mga alahas tsaka ng pera, five-six ba. Bumbay nga raw ako dati, sabi nila. Yung mga alahas, binibili ko sa Ongpin tapos papatungan ko sya ng maliit na halaga at papahulugan per payday sa mga kasamahan ko. Minsan dumadayo pa ako ng ibang stores para maningil..hahaha Those were the days...

Kaya lang di naman ako naka-ipon kase may p*king sy*t na leech.

Di naman din ako magastos...pero di rin ako matipid..hahaha....

Anyways, I've learned my lessons-a whole lot of it-- and now managing a business is better. My [or should I say "OUR"] hobby has also been converted to a sideline -- ang blogging..*wink*



an entry for Girls Talk. Happy Thursday!

Tuesday, July 6, 2010

Nagkita kami ni Woody at Buzz

Nakatakas ako sa shop kanina dahil wala masyadong tao. Nagyaya si sis na manood ng Toy Story 3, hala mag-close nga ulit ako ng 4-5 hours. Ang sarap pa naman manood ng sine kapag ganitong mga araw. Wala kasi halos tao ang mga sinehan. Syampre si ykaie siyang-siya sa lakwatsa. Sobrang nakakaiyak tong movie na to. Noong una, hagalpak kami ng hagalpak ni ate sa katatawa lalo na nung si Mr. Potato Head ay naging Tortilla pero bandang huli ngumangalngal na kami at pihadong kung wala kami sa sinehan ay siguradong humahagulgol pa kami sa sobrang tearjerker nung last part ng movie.

Isa pang nakapagpa-iyak sa akin kanina ay nung bumili ako ng replacement na battery ng Digicam. Sira na kasi at ayaw na mag-charge. Well, sabi naman nila ay two years lang ang lifespan ng ganitong klase ng battery. Hala, baterya lang P2,800 ang halaga. 1x1 lang yata ang size nitong battery na ito. Gusto ko ring humagulgol sa IT Zone ng Trinoma habang hawak-hawak ko ang supot ng battery. My gas!di naman ako pwedeng di bumili ng battery at kailangan ko ng camera sa buhay ko.....

On a happier note: syempre pagbukas ko ng shop ng bandang 5pm marami ang natuwa. Siguradong na-miss nila ang shop kaninang tanghali. Mag-iwan ba naman ako ng note na ang sabi:
CLOSED
will open around 6PM
Thanks. Mwah!
O diba?? Para ko lang silang tinext?? hahahaha...
 

Monday, July 5, 2010

A Blog With Substance Award From Kayce

Thank you Kayce of My Life and My Journey Online for giving me this wonderful award. It's  so nice of you to think that my blog has substance.....

 
Blogging for me is: Hobby Love Stress-Reliever Happiness Moments

Now, for the Rules:
  • Thank the blogger who awarded it to you.
  • Sum up your blogging philosophy, motivation, and experience using five (5) words. example: WRITE HEART PEOPLE LIVE HAPPY
  • Pass it on to 10 other blogs which you feel have real substance.
Now, I'm passing on this award to:
Rome of Romepedia
Enchie of Sweet Nothings
Bambie of Fabbielous Momma
Liz of Pinay Blogger sa Amerika
Rossel of Topics of Earth
Beth of All About Elizabeth
Manang Kim of My Life's Journey in Focus
DJ of Precious Thoughts

Saturday, July 3, 2010

Ykaie's Artworks

Madami kaming bagong artworks sa bahay ngayon, pati na sa shop. Matatalo si Pablo Picasso at Mauro Malang sa sobrang galing ng pagkakaguhit ng mga artworks na to. At ang may sala...ahem,
..Ykaie with one of her latest "artworks"...hehehe. Napagalitan sya ng Lola Sonia nya dyan. Di ko alam kung saan sya nakakuha ng marker. Yang upuan na yan ay yung mga inuupuan ng Lolo at Lola nya sa labas ng bahay tuwing umaga. Feeling yata ni Ykaie ay  very plain at malungkot ang mga silya kaya ayan, nilagyan nya designs..hahahaha.
Susmarya, papangit ang bahay namin....

Friday, July 2, 2010

Happy Birthday, peanutbutter♥!

Today is going to be all about you because it is your day. If you're here, we would probably eat out, watch a movie and then have a romantic dinner. We would probably have cake and I would surprise you with a special gift. Hay, I miss you so much. This is your first birthday that you are away from us.
Happy Birthday, Mahal. I'm so glad that you were born some years ago on this day...then I get to be happily married to you today.
Hmmnn...Should I tell some random facts about you just like everyone I greet? Well, it's tradition.

Random Facts About peanutbutter:
1. Si peanutbutter ay Sumpungin/Toyo-in. Feeling ko alam na to ng lahat ng tao-- mga relatives, friends, enemies[may enemies ka ba?] and the whole blogging community. Kapag may toyo sya, siguradong kayang-kaya namin karibalin ang pabrika ng Silver Swan!
2. Si peanutbutter ay Antukin. Tapos mantika pa matulog, kesehoda yata nagkaka-giyera na, KEBER! tulog pa rin sya.
3. Malakas Maghilik yan si peanutbutter. Akalain nyo, nakaka-miss din pala yun kahit na minsan parang gusto mo sya takpan ng unan sa mukha sa sobrang lakas nya maghilik.
4. Sobrang sarap mag-massage nyan si peanutbutter. He can massage his way out of anything..hahaha. Kesehoda magalit, magtampo o magsungit ako. Siguro maganda ring business ang Spa? hehehe
5. May pagka-NEGA yang si peanutbutter. Kaya siguro kami nagkatuluyan ano? Kasi kung gaano sya ka-nega ay sya naman opposite ko..sobrang positive ko, kailangan ko ng negativity.
6. May pagka- masungit din yan si peanutbuttersa personal..hehehe.Daig pa nagme-menopause sa sobrang sungit.
7. Pero he is Super Sweet.
8. And thoughtful..
9. And Loving...
That is why Ykaie and I love him very very much!
Happy Birthday to the best husby in the World!

Thursday, July 1, 2010

GT: I Love Me♥ Physically

...because I'm healthy..hehehe. I may not like how much I weigh right now but seriously, I love myself physically because I know that even if I'm a little overweight I can lose the extra "baggage" if I want to....and that's what I'm rooting for this July.

an entry for Girls Talk. Happy Thursday!

LP: Teknolohiya

Computer at Camera ang pinaka-paborito kong imbensyon ng makabagong teknolohiya... kase masaya...hahaha. Wala akong maisip, pasensya na at bagong gising ako....Basta peborit ko sila!

Ngayon na lang ako ulit nakasali sa LP.
ito ang aking lahok para sa.Magandang Huwebes!
Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin