May nadekwat akong mga tanong sa internet na mukhang masaya sagutan....kung gusto nyo sagutan nyo rin para masaya tayong lahat.
Ano ang iyong almusal kanina?
Kanina? Kape at taho..katulad ng araw-araw kong almusal. Sana bukas maiba naman, may magluto sana para sa akin ng eggs benedict o ng iba pang sosyal almusal.
Ikaw ay may itlog — nilagang itlog. Paano mo ito kakainin?
1. Ipupukpok ang itlog sa mesa hanggang mag-crack. 2. Himayin ang balat. 3.Isawsaw ang itlog sa asin. 4.Kagatin. 5. Nguyain. 6. Lunukin. 7. repeat from step #3 hanggang maubos.
Ano ang paborito mong local na junkfood?
Dahil matakaw ako, marami akong paborito pero ang pinaka-paborito ko ay yung Nacho, yung kulay blue. Paborito ko na yon bata pa ako. Noong bata pa ako ang gusto ko sanang maging paborito ay yung Jack&Jill Potato Chips kaya lang ay medyo may kamahalan ito at hindi ma-afford ng baon ko nung grade 3 na limang piso.
Ikaw ay kinuhang TOP CHEF sa isang engrandeng pagtitipon. Ano ang iyong ihahain sa mga bisita? (Note: Ang mga pagkain na ihahain mo ay ang mga alam mong lutuin. Bawal magsinungaling)
Top Chef? Engrandeng pagtitipon?? Hmmnn... Mga sosyal ba ang a-attend?? Pwes, hahainan ko na lang sila ng mga pagkaing kalye para mas lalo nilang ma-appreciate
Appetizer: Pritong Baga o kaya Betamax
Main Dish: Beef Pares
Drinks: Palamig
Dessert: Dirty Ice Cream o kaya Popcorn
{click nyo na lang para makita nyo}
Kung ikaw ay makakain sa restaurant ngayon din, saang restaurant ka pupunta at bakit?
Kung ikaw ang magbabayad: Sa TGI Friday's, sa Sala o kaya sa Dusit Thani.
Kung ako ang magbabayad: pwede na dun sa Aling Sabel's Restaurant and Sing-Along dyan sa kanto...
Siguro naman di ko na kailangang sabihin kung bakit..hahaha
Saang restaurant mong gusto makapunta, pero di ka lang nakakarating pa?
Too many to mention? hahaha..parang slumbook .Hmmnn.. wala yata akong maisagot dito sa sobrang dami ng gusto kong mapuntahan.
May pizza sa harap mo. Ano ang ayaw mong makitang topping sa pizza mo?
Patola. Ayokong makitang may patolang topping ang pizza ko dahil hate na hate ko ang patola at sya lang ang bukod tanging gulay na hindi ko kinakain. Well, wala naman talagang pizza na may topping na patola pero just in case na bangungutin ako at makakita ko ng ganun...malulurky talaga ako.
Ano ang madalas mong orderin sa Jollibee?
May two-year-old akong anak na mahilig sa chicken skin at rice. Ano pa? E di Chicken Joy. Pero kung ako lang ang tatanungin ay regular yum at Ube-Keso Ice Craze.
Paano magluto ng Sinigang? Marunong ka ba?
Oo naman, paborito kaya naming lahat yan.
Ikaw ay may fried chicken sa harap mo. Ano ang dapat niyang kapartner para masarap ang kain?
fried chicken at si peanutbutter♥...... hahahaha sigurado masarap ang kain ko. Seryoso?? syempre banana ketchup tsaka bagong lutong sinaing.
Kumakain ka ba ng dinuguan? Alam mo ba kung saan ito gawa?
Oo..alam na alam. Magbababoy kami dati dyan sa Sangandaan. We cook dinuguan from the freshest lamang-loob and blood available....nyahahaha
2 comments:
ha ha ha masarap nga yang iniiisip mong partner
pa-kopya din ng mga tanong ha.. :) natutuwa ako sa mga sagot mo!
Post a Comment