Tuesday, July 6, 2010

Nagkita kami ni Woody at Buzz

Nakatakas ako sa shop kanina dahil wala masyadong tao. Nagyaya si sis na manood ng Toy Story 3, hala mag-close nga ulit ako ng 4-5 hours. Ang sarap pa naman manood ng sine kapag ganitong mga araw. Wala kasi halos tao ang mga sinehan. Syampre si ykaie siyang-siya sa lakwatsa. Sobrang nakakaiyak tong movie na to. Noong una, hagalpak kami ng hagalpak ni ate sa katatawa lalo na nung si Mr. Potato Head ay naging Tortilla pero bandang huli ngumangalngal na kami at pihadong kung wala kami sa sinehan ay siguradong humahagulgol pa kami sa sobrang tearjerker nung last part ng movie.

Isa pang nakapagpa-iyak sa akin kanina ay nung bumili ako ng replacement na battery ng Digicam. Sira na kasi at ayaw na mag-charge. Well, sabi naman nila ay two years lang ang lifespan ng ganitong klase ng battery. Hala, baterya lang P2,800 ang halaga. 1x1 lang yata ang size nitong battery na ito. Gusto ko ring humagulgol sa IT Zone ng Trinoma habang hawak-hawak ko ang supot ng battery. My gas!di naman ako pwedeng di bumili ng battery at kailangan ko ng camera sa buhay ko.....

On a happier note: syempre pagbukas ko ng shop ng bandang 5pm marami ang natuwa. Siguradong na-miss nila ang shop kaninang tanghali. Mag-iwan ba naman ako ng note na ang sabi:
CLOSED
will open around 6PM
Thanks. Mwah!
O diba?? Para ko lang silang tinext?? hahahaha...
 

4 comments:

Dj MariƱas said...

kaiyak nga last part ng movie na yan! buti nga at napanood mo yung buong movie pati yung part na nakakatawa ako kasi online streaming lang nakinood :-P natawa naman ako dun sa naiyak ka sa mahal ng camera battery mo. naku ako din nga pala kailangan ko na bilhan ng bagong battery yung camera namin

Azumi's Mom ★ said...

Haha.. iba ka talaga, kahit naman siguro ako kung malapit lang ako sa inyo, babalik balikan ko ang internet shop mo.. Masyado sikat ang toy story 3 kaya naman kahapon, nirent ko ang toy story 1. Mukhang ako na lang yata ang di nakakapanood neto.,.

J said...

Hahahaha... buti walang nagreply sa note mo ng "K!" or "BBL!"

Yeah, nakakaiyak ang Toy Story 3. The funny thing is, yung adults ang naiiyak at dedma lang ang mga kids heheh.

UMMA said...

Kakaiyak pala ang Toy Story 3, am so excited pa naman to watch the movie. with my little Koala.

But nakakatuwa ang story mo about the battery... ay talagang mahal ang battery for camera kaya no choice but to buy one.

BTW, super cute naman ng baby princess mo..how old is she? Mine is 2.5 year old boy.

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin