Monday, May 3, 2010

Dads Resort, Malabon

Ewan ko ba kay sis kung bakit nya naisipan na magyaya bigla mag-swimming dito. Hala, eh pag summer pa naman ay nuknukan ng dami ang tao dito dahil sa ito na yata ang isa sa pinakamalapit na pwedeng lubluban at languyan .
Kaya naman talagang walang plano-plano at go kami. Tinawagan lang namin si Nongnang Roman para ju-moin at ang dalawang pedicab driver para magpahatid..hehehe...
Super crowded! Ito na lang ang available na pwesto. Table with Umbrella for P250. Entrance Fee is P130 each.
Ano baon namin??Salami Sandwich, Spam, Rice, Chichirya at Juice.
Nakakalurky lang talaga mag-swimming sa ganito at mega-crowded. Gusto nyo makita kung gaano ka-crowded?? eto...
O diba?? ang dami-daming people? Nakaka-inggit nga yung mga baon nila. Parang gusto ko tuloy manghingi dun sa kabilang table ng baon nilang pancit.Gusto ko sila isa-isahin, dun sa isang table may fruit salad, sa isang table may pancit, sa isang table may isang drum na spaghetti at of course, ang pinaka-nakaka-inggit sa lahat--yung table na may sandamakmak na inihaw.  Di kasi kami prepared at ura-urada magyaya si sis.
Ang kiddie pool, susme, nanglilimahid na..hahahaha....My gas!
Nagka-sunburn na si Ykaie sa sobrang babad sa tubig at ayaw umahon. Sa totoo lang mas masarap dito magpunta kapag tag-ulan na at kaunti lang ang tao.

4 comments:

Bambie dear ★ said...

Haha, aliw ka talaga sis.. namiss ko ang ganyang ka-crowded at kaingay sa mga pools ng pinas. AT ang mahal na pala ngayon ang entrance.. infairness, ang sexy ni Ykaie ha..

Anonymous said...

Oh my.. ang daming tao.. and iba na ang kulay ng pool. Ang init nga naman kasi. I checked out your other swimming post in Amana.. We plan to visit that one too :) Sana matuloy.

Karen Chayne said...

Naku! ang dami daming tao sis! di ko carry yan! hehehe... mas mabuti pa nga kapag umuulan para wala masyadong tao.

Lady Patchy said...

anu ba yan! crowded masyado yung pool .

pero enjoy na enjoy lahat lalo na pagdating sa kainan.

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin