Tuesday, May 11, 2010

Aircon...sa wakas

Kaninang umaga, ikinabit na yung bagong aircon na binili ko para sa second floor ng shop. Hay, ang laki ng in-improve ng temperature ng shop lalo na't galing ka sa labas. Sa wakas ay hindi na ako kakabahan na baka bigla na lang magliyab ang mga customers kasama ang mga computers sa taas. Paano ba naman ay nuknukan ng init ngayong mga panahong ito. Ang mga loyal customers ko, kesehoda mala-impyerno ang init ay sige pa rin ang laro sa taas. Naaawa na ako sa kanila pag nakikita ko na bumababa na basa ng pawis samantalang yung mga nasa ibaba prenteng-prenteng nalalamigan...hehehehe....

Feeling ko talaga nag-level up itong shop and I'm proud of it. Feeling ko rin, my customers will love me more...Sana makabili rin kahit dalawang units this year...

6 comments:

Willa said...

parang ang ganda naman ng shop mo, pag ako umuwi ulet, jan ako amg i internet, :D

Kayce said...

wow! mabuti yan sis! kelangan mo talaga nang aircon lalo nang panahon ngayon para na rin hindi masira mga pc units mo.

eds said...

hehe feeling ko lang amoy pawis na talaga jan hehehe.. nakikini-kinita ko ang aking sarili nun meron kaming computer shop hehehe. sus ginoo, pagkaantot hehe.. nasira kasi ang aircon and imagine ang aircon na un eh un centralized aircon kaya ng masira ilang buwan bago napagawa hehehe....

talagang they will love you more niyan peachy. yan nga at overtime ka na hehehe

Bambie dear ★ said...

That's a good marketing strategy hehe.. syempre dapat ipriority natin ang satisfaction ng mga customers natin.. san ba ang internet shop nyo? sana sa may pasay lang para naman sa inyo na lang ako mag-internet pag nasa manila ako..

Mommy Liz said...

aba at 2 floors na pala ang iyong internet cafe ah, malakas pala talaga ang business na yan..

iamronel said...

wow susyal po ah..hihih btw po exchange link po tau? thanks po

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin