Saturday, May 1, 2010

Isa sa mga bagay na sinasabi nilang kailangan mo...

PERO HINDI NAMAN! O ano to? Sirit na?! Ito.
O, e ano nga yan? Velcro??hmmmnn........ it looks like velcro......it feels like velcro pero.... ito raw ay para sa buhok..sa pagkaganda-ganda mong buhok.... Question and answer portion tayo....
Paano ginagamit??  Ganito....
At bakit ka maglalagay sa buhok ng pagkalaki-laking velcro na para kang ewan? Para daw hindi lumaglag ang buhok kapag naghihilamos ka o naglalagay ng make-up. Haler? naka-survive na tayo ng kung how many years ng wala ang magic velcro na ito. Ngayon pauso-uso ng "needs"......

Bakit ako meron nito? hindi akin yan. Kay sis, walang kwentang freebie sa isang item na nabili online. Usong-uso yata iyan sa Japan but I don't like it. Sorry sa mga gumagamit pero wiz ko talaga sya feel. Feeling ko di naman talaga sya kailangan.

Ano balak ko gawin dito? Wala. Kung gusto mo, iyo na lang...... pick-up-in mo na lang sa bahay namin. I-text mo ako pag padating ka na..

See you.

an entry forPhotobucket. Have a great week! 

10 comments:

Lady Patchy said...

ano ba yan ,velcrohan ba naman ang buhok .hahaha! kaloka.

anney said...

Sus! Kaya pala ako hanap ng hanap sa salonpas ko e nasa yo!

Willa said...

ang OA ha! akala ko ba naman kung anong ka ek ekan na naman yan sa buhok,para lang pala di malaglag sa paghilamos at make up ek ek, eh headband lang ang katapat nyang sa atin eh, LOL!!

Ebie said...

Hehehehe, naataatawa ako Peach! Akala ko nga salonpas, at baka masakit ang ulo.

Huwag na lang, yung velcro na yun, manipis na ang buhok ko, baka manlalagas na lahat!

You made my day!

Sassy Mom said...

Bwahaha... you're so funny!

No, Thanks. baka makalbo ako sa kakagamit nyan. Hehehe!

Mirage said...

eh di ba didikit din hair mo jan, mas marami pang naalis kesa sa hindi nalaglag lol.

love your theme btw.

Marice said...

ang kulit ng post mo sis! corek para san yan! kala ko salonpas hehehe okay na headband dito :)
u may view mine here

Anonymous said...

Kakaiba naman to.. pwede ba sya sa puting buhok para minsanang alis na lang? Cool post sis :)

jeng said...

Akala ko nun una parang placemat kaya lang bakit parang sa buhok nilalagay...yun pala yun! Mga Japanese talaga, kung ano-ano naiisip gawin.

Lady Patchy said...

binalikan ko talaga itong post mo ,wahahaha! kalukring talaga

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin