Sunday, March 29, 2009

Lechon Kawali

The theme for today's Lasang Pinoy Sundays is : hip to be SQUARE

 
Is this square enough? Pagkatapos ng ulam naming Chicharong Bulaklak last Sunday ay eto naman ang ulam namin kahapon ng tanghali... makabagbag damdaming Lechon Kawali! Ito ang Liempo pagkatapos nyang pakuluan.Feeling ko square-ish sya.

  
At ito ang itsura ng Liempo pagkatapos nyang mailubog sa kumukulong mantika at maluto.Hay ang lutong ng balat...kaya lang ay "deadly" rin ito.
 
Pampabata ika nga nila. Paano raw ay hindi ka na tatanda kapag ito ang madalas mong kinakain,matitigok ka na agad..hehehe

Pinilit kong maging SQUARE ang pagkakahiwa sa Lechon Kawali para mailahok ko sa tema ngayong linggo. Mukha bang square?

Magandang araw ng Linggo! Sana ay nabusog ko kayo....


My other La.Pi.S. Post: Ritter Sport

14 comments:

Pinky said...

Square nga! Sarap niyan isawsaw sa toyo at suka na merong konting bawang - yum!

Jay - agent112778 said...

i love that pero bawal

my entry is here

magandang araw ka-lasa-ista :)
Salamat sa pagbisita :)

Munchkin Mommy said...

I want some! Gusto kong gumawa ng litsong kawali kaso takot ako sa tilamsik ng mantika. Hee hee. :D

My La.Pi.S. entry is here.

rossel said...

I used to cook that noong hindi pa naha-high blood hubby ko. ngayon lie low muna kami. haaay! nakaka-miss yan.

eds said...

Pwede na yan Peachy hehe.. madudurog din yan pag dating sa sikmura lol...pero namimiss ko ang mga ito .. grabe nauulol ako sa luto mo promise... hay kelan kaya ako makakatikim ulit? :(

Mom of Four said...

ito ang matagal ko ng gustung matutunang iluto, litsong kawali, yum...

Gmirage said...

Uy dahan dahan sa calorie overload lol! I dont know why I never really liked eating this hehe....does look appetizing though...:D

thess said...

Promise I had this yesterday, pero with a twist- ginawa kong binagoongan yung lechon kawali, oks din pala.

o di ba, mas deadly yun...panay nga paalala ng mister ko habang kinakain ko Lol!

happy lapis, peachy ;)

ces said...

cholesterol!!!! sarappp!!! nabusog nga ako sa picture palang:) at syempre square nga...hmmm, now i have to go to the asian store to get some good slices, it's seldom i see one kc in the regular groceries around here...

Ebie said...

yummmm, sarap naman ito. nagutom tulog ako.

Ebie said...

*tuloy, wrong spelling, kaya napabalik ako dito. Hehe, sarap pa rin, kahit makolesterol

Zriz said...

Yummy! I love lechon kawali! hehehehe nyum nyum nyum!

maggie said...

sobrang nakakatakam naman ang post na ito, masarap sawsawan toyo at calamansi na may siling labuyo, rap-sa!

JMom said...

Yummeh!!! halos pareho tayo ng LaPiS theme this week. Pork. :D

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin