Monday, March 16, 2009

Children's Playground

At natuloy nga ang "pictorial" ni Ykaie sa Luneta. First Stop, Children's Playground..
 
Naalala ko dati noong bata pa ako, pinapasyal din ako dito ng tatay ko kasama yung kasing-idad ko na pinsan na si Karen. Piso lang ang entrance fee noon,ngayon P10 na. Noon kasi walang mga kulay ang palaruan ngayon pininturahan nila para mas mukhang attractive. Bumili ako ng sorbetes dun sa mamang sorbetero sa harap ng gate..Susmarya!! Halos himatayin ako at kinse pesos daw sa cup! Eh sa normal na buhay limang piso lang yun. 200% ang itinaas!

Naku, tuwang-tuwa si Ykaie sa giant shoe..
Pumasok pa nga kami sa loob para masaya.(hehe,mapanghe pa rin sa loob nito walang ipinagbago)

 
Takot si Ykaie pumasok sa loob nitong giant Hippopotamus. Paano naman ang liit-liit ng entrance doon sa harap at likod nito.Buti na lang once na nakapasok na kami ay okay na sya.

Tapos nakita pa nya na ang dami-daming mga bata ang labas- masok at akyat-baba sa loob. Nakita nyo ba yung pinto sa ibaba? imagine,nagkasya ako doon? dala-dala ko pa si Ykaie?.Kaya pagkatapos nito sumakit ang likod ko.

Uy, naging kalabasa kami!

Takot lang ni Ykaie dito sa mga dinosaurs

 
tago kami sa buntot...

Ganun pala yun ano? Kapag pala 29 years old ka na, ang hirap na maglilibot at magpapasok sa mga laruan dito? Laughter  Ang daming slides dito kaya lang masyado pang bata si Ykaie para mag-slide.

elepante ba ito?

 
Magkamukha na kami nung turtle o..



 
Last Stop na namin itong fish. Pagkatapos nito pagod na pagod na pagod at uhaw na uhaw na uhaw na kami.
Hala, unang pasyal pa lang ito, lilibutin pa namin ang buong Luneta.

7 comments:

Mommy Liz said...

ay ang saya dyan! tama ka, colorful na gna ang mga palaruan dyan, noong araw, puro sira ang mga swing at slide. naku, sarap sanang magpunta dyan, kaso ang layo namin. Sa circle na lang kami or sa Wildlife sa Q.C. tapos swimming sa Gubat sa Syudad. Or sa likod bahay na lang, mas tipid.

Anonymous said...

Hehe, katuwa naman si mamang sorbero, baka mahal lang dahil tourist area! Ganda na pala, last punta ko dyan in the 70's pa. Yung children's playground part ba iyan ng Luneta? Salamat sa mga letrato, maganda ang mga model, e di si peanut butter ang kumuha?

Dj Mariñas said...

Kakatuwa naman pala dyan. Di pa ko nakakapunta dyan a. Sana sa susunod na pag punta nyo ni Ykaie sama na kami ni Marianna :-)

anney said...

@ Ebie: nope? Ako ang kumuha!! hahaha! ang sungit! Di po mabait po ako sa tunay na buhay. Sa pelikula lang po ako masungit. feeling artista! joke lang po.

♥peachkins♥ said...

kapatid ko po yan na sira ang tuktok..

Ada Esmanil, FEU-Architecture said...

ate hiniram ko po ung mga pics ninyo nitong playground gagamitin po kasi namin sa site analysis sa project namin.wala po kasi kaming time para pumunta.great help po ang inyong pic.nung bata po ako napunta din ako dun sa playground. wala na nga po ung mas malaking slide eh...heheheheh...salamat po.kinukuha ko rin po ung url for reference and para sa mentioning na sa inyo ang copyright. thank you po ulit

Free Emoticons said...

kapatid ko po yan na sira ang tuktok.. FreeEmoticons :-)

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin