Tuesday, March 24, 2009

pengeng kape

Ho may gas! it's so hard..ang hirap talaga magpaka-tanging-ina! Nakakaloka na. Pakiramdam ko binugbog ako ng tatlong maskuladong bakla sa kanto.Ang sakeeeeeeeeeet ng aking likod! Susmarya! Panandalian kong kinalimutan ang aking diet at baka madali akong may-i-die kapag nag-diet pa ako sa lagay kong itoh.

Kung multitasker ako, ngayon para akong multitasker na adik dahil sa dami ng ginagawa ko.Ang mga ginagawa ko ngayong araw na ito: naglinis ng computer shop bago magbukas,nagbukas ng computer shop, naghuhugas ng mga feeding bottles ni Ykaie, nagpaligo kay Ykaie, nagpatulog kay Ykaie, nag-download at nag-install ng bagong labas na game, naglaba ng mga undies namin (dahil wala na po akong isusuot bukas, buti na lang at ipina-laundry ang ibang damit), suma-sideline pa ako minsan ng bantay kay Ykaie huh?, naglalaro ng Farm Mania, nanonood ng CSI Miami at sinusulat ang blog na ito AT LAHAT NG IYAN AY GINAGAWA KO O GINAWA KO HABANG NAGBABANTAY NG MALUPIT NAMING SHOP!

At mamaya syempre ako rin ang mgasasara nito dahil may pasok si peanutbutter. Haaaayy, ang sarap mabuhay.

and tomorrow? it starts all over again...Life owes me a good massage..

2 comments:

payatot said...

kay sipag mo naman pala mommy peach..dyan pa lang sa shop e bugbog ka na nyan kaya dapat lang na kumuha ka na ng kapalit ng iyong umalis na kasambahay..pahinga ka oi..baka ma stroke ka nyan o kaya ober patig, tagalog yan ha!! hehehe

Anney said...

Lika masahihin ko lkod mo pero pedicure moko! ahehehe! Matagal ng nangangailangan ng pedicure ang mga dedbol kong nails!

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin