Tuesday, March 10, 2009

RAON: Ang pugad ng mga second hand spare parts

May nasirang gamit ang ate ko at kailangan ng spare part kapalit nung nasira.Sa Raon lang daw may mabibiling ganun kaya naman dali-daling nagyaya si ate para bumili.

Nagtanong kami sa isang maliit na tindahan at kaagad kaming dinala sa isang gusali na napakaraming tindahan ng iba't-ibang klaseng spare parts at mga video games.

At pagkatapos kaming paghintayin ng ilang minuto ay ito ang iniaalok sa amin at pareho lang daw. Ang sabi ko ay itatanong muna namin at babalik na lang kami. Piniktyuran ko pa para cute..
Sabi ni ate, bilhin na rin daw namin baka pwede...sabi ko hindi at ini-stir ko lang ang mga tao na yun na babalik kami.hehe..

Balik ulit kami sa paghahanap.Sabi ko kay ate ay itago yung fan at hawak-hawak nya. Hindi pa nya naitatago ay may lumapit sa amin na lalaki at tinanong kung naghahanap ba raw kami nung hawak ni ate at mayroon sila.Sundan daw namin sya. Bumalik kami sa gusaling pinanggalingan namin pero sa ibang tindahan.


Dito kami nagdaan.Sus,grabe itong mga ito..lahat ng daw ng spare parts meron sila...Amazing! Sabi ko nga kay ate: Pakitanong nga,baka ice cream maker meron sila?(di ba gusto ko nga ice cream maker)

Masyadong mga feelingero!

Hayan ang tindahan puno ng mga samu't saring kung anu-ano na mga nakasabit!

2 comments:

Mommy Liz said...

Naku eh wag mapunta asawa ko dyan at baka galugarin ang buong RAON eh mamitig ang paa ko kakalakad. Mahilig asawa ko sa mga flea market, yung mga second hand, di nga ako sumasama kapag nagsa shopping at pati manok at baboy binebenta sa flea market wahahahaha!

pet said...

nakahanap ka ba ng part na yun tita peach? siguro si ate anney ang kasama mo noon ano? hahahaha, sa raon talaga maraming ganyan, malimit din ako dyan...

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin