Sunday, February 21, 2010

Fiesta Ngayon,Madaming Nagkakantahan

Fiesta dito sa amin ngayon at alam nyo naman tuwing fiesta, ang daming nakiki-fiesta. Nagbibigay ng sobre at kanya-kanya ang gimik para kumita. May mga musiko, ati-atihan at mga baklang nagbubuga ng apoy kagaya nung isang taon.
Pero ang raket ng mamang ito yearly ay tumapat, mag-gitara at kumanta. In fairness, maganda ang boses ng mamang ito. Parang si........... Bing Rodrigo...hehehe,Kilala nyo yon? Paborito yon ng nanay at tatay ko. Parati nilang pinatutugtog ang casette tape ni Bing Rodrigo dati.

Anyways, ayan at pagkakita sa kanya ni Ykaie ay agad nitong kinuha ang laruang gitara at ginaya ang mama. Updated si Manong at ang Fiesta Song ay walang iba kundi ang NOBODY. Imaginin nyo ang Nobody..sang in deep, old manly voice...mwahahaha.
------------♥♥♥-------------
Dahil fiesta nga, ang daming nagkakantahan ngayon. Kanya-kanyang labas ng magic sing. Kanya- kanyang biritan kahit na magsilawitan ang mga tonsils. Kanina nga ay nagsipag-kantahan din sila peanutbutter, Roman at ate sa loob ng bahay. Haaay, minsan nakakainggit itong mga nakakakakanta na ito. Ewan ko ba kung bakit di ako nabiyayaan ng magandang boses. Sobrang wala ako sa tono pag kumanta -- this is the reason why I don't sing. I could probably write to save a life but I couldn't sing for sour apples. Heck, I couldn't even sing for rotten apples!
Sintunado kung sintunado talaga. Feeling ko.......makakatulong ako sa El NiƱo Phenomenon.Hahahaha. Di na kailangan ng cloud seeding.

4 comments:

Gloria said...

Peachskins I love this little thing is sooo cute!! gloria

Richie's 2ts Inspires said...

I wanna join. Love and miss singing lalo na atin na atin, di ba?

Lil lady seems enjoying the fun.

TY for peeping in. HOpe your in the best of everything. LAhat na jan!

xoxo

Tands said...

haha ok yun ah.

Mommy Liz said...

Welcome to the club pala tayo. Minsan nga iniisip ko, ampon yata ako. sa aming buong pamilya, ako ang sintunado. Di bale, magluluto na lang ako, ehehhe!

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin