Thursday, February 4, 2010

GT: Describe your One True Love

Hmmnnnn... dahil ba sa buwan ng pagmamahalan kaya't ito ang topic natin?? How do I describe my one true love?.......my peanutbutter? Syempre, kaya nga natin sila pinakasalan ay dahil we find them SWEET, UNDERSTANDING, RESPONSIBLE, THOUGHTFUL, CARING AND most of all, GWAPO.[kilig* kilig*] Pero there are other characteristics na talaga namang kakaiba.... eto na..

  Malakas ang TOYO ni peanutbutter. Matatalo ang pabrika ng Silver Swan sa lakas/dami ng toyo ng taong ito oras na sumpungin sya..
Masarap mag-masahe si peanutbutter..lahat na lang dinaan sa masahe kesyo magtampo ka, magalit ka, mainis ka, --he would massage his way out of it...hmmmnnn.. magtayo kaya ako ng Spa?
Minsan kapag kinakausap mo sya, may delay bago sya sumagot, parang..........internet na mabagal ang connection,hehehe....... pero sumasagot naman.
Masungit yan...Minsan akala mo meron sya o kaya  magme-menopause na sa sobrang sungit.
Nuknukan ng Kulit yan.....dati akala ko makulit na ako..SUS! Meron pa palang mas makulit sa akin!
Super Nega sya...as in NEGATIVE!  Buti na lang nga at very POSITIVE person ako..Oh diba, bagay talaga kami?

Minsan may mga moments talaga na ang sasarap kutusan o sakalin ng mga TL [as in True Love] natin pero di naman natin ginagawa minsan yun yng mga moments na kapag binalikan natin, eh mga moments na masasaya.
MAHAL na MAHAL na MAHAL ko yang si peanutbutter. I'm taking all of the above and more....

my entry for .Happy Thursday,gurls!

8 comments:

rossel said...

ehehe, opposite poles attract each other. masarap palang magtampo at magalit kay peanutbutter, may libreng masahe. sa amin e ako ang may delay sumagot.

Mommy Liz said...

Kami rin ni Rodney, maraming opposite, kaya may topic ako sa couple's corner na " totally opposite" pero gaya nga ng sabi ni Rossel, opposite poles attract each other. pero sa kaso namin, ako ang nag mamasahe ke Rodney.

pero kahit may mga negative kang sinulat about peanutbutter, binawi mo naman sa sinabi mong mahal na mahal na mahal mo siya..o di ba? may masahe ka uli nyan mamayang gabi..

levy said...

kami naman baliktad.. negative ako postive sya! :)

ferry'zWILL said...

thats the true meaning of Love...
accepting even his worst and a super mega toyo nyang mood - whether silver swan or datu puti...

hahaha
i like your post

Bambie dear ★ said...

LOL like ko to.. parang ganyan din si hubby pag may sumpong, at minsan ang bagal ng connection pag kinakausap ko, parang ninanamnam muna mga tanong ko lol.. naku yung post ko naman super cheezy.. akala ko kasi pang cheezy ang theme natin ngayong month lol

Dj Mariñas said...

natawa naman ako dun sa mabagal ang connection , hehe. ikumpara daw ba sa internet? di naman lahat ng internet mabagal :-P

melandria said...

wow, nakakatuwa naman, ang ganda ng site mo, first time ko dito at siguradong lagi na akong babalik,

may contest po pala ako, sana makasali kayo.

http://www.melandriaromero.net/2010/01/draft-mechanics.html

thanks.

niko said...

natawa ako sa description mo ke peanut butter.. kasi prang nbbsa ko asawa ko bwhahaha

eh kahit ganun pa sila ka toyoin at makulit at nega eh super loves nten sila diba??/

oi sensya sa late na pagdalaw sa entry mo ha.. busy si lola hahaha.. thanks for always joining GT!! tc lagi :)

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin