Sunday, October 25, 2009

mainit o malamig?

Kaninang tanghali ay may napanood akong isang portion sa ASAP. Kumakanta sina ZsaZsa Padilla, Toni Gonzaga,Sarah Geronimo at iba pa ala Wondergirls tapos biglang pumasok sina Piolo Pascual, Billy Crawford at Sam Milby.
Sa totoo lang ay matagal ko ng pinag-iisipan ito,noong araw pa. Pero dahil nga hindi na ako nakakanood ng TV ay nakalimutan ko na.

Ano kaya ang temperature sa Studio? Malamig o mainit? Kasi tuwing kakanta ang mga girls ay mukha silang init na init sa suot nila pero kapag nakita mo naman ang mga boys.........naka-t-shirt na, naka-jacket pa. Para bang kay lamig-lamig sa studio pero sabay lang silang kumakanta. Nakakalito diba?

So, naisip ko lang, kung malamig sa studio, siguradong nilamig na sila ZsaZsa Padilla and company...
kung mainit naman, siguradong pawis na pawis na sila Piolo...

Hay, wala lang..hehe..naglalabas lang ng mga walang kwentang bagay na bumabagabag sa aking mundo.......

3 comments:

Rossel said...

twice na akong nakapasok sa studio (high school days...that's entertainment, ehehe!)at grabe ang init. airconditioned kaso di kaya sa dami ng tao.

maggie said...

okay, nag-OJT ako sa ABS dati, mga SaLinggo nAPO sila days pa un, super lamig sa mga studio kaya lang kapag bukas na ang mga lights at nakatutok na sa artista, susmaryosep parang ibinibilad sila sa araw ng malapitan, kaya minsan you see some starts sweating kasi pagkalalaking spotlight sa taas ang nakatutok sa kanila pero ung mga staff ng program makikita mo nakabalot ng jacket. Ung sa boys, charing lang kaya naka-jacket pero pagbalik sa dressing room, nakasando na lang ulit. :))

maggie said...

i mean stars, hindi starts, hahaha.

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin