Wednesday, October 29, 2008

The 3 Day Diet (4th Edition)

Harinawa ay matuloy naman ang pag-3 Day Diet ko sa November 3. Susko,nagsisimula na namang manikip ang mga pantalon ko...Paano naman kasi ang saaaaraaaappp kumain...Breakfast   Kaya lang hindi ko pa sya pwedeng simulan bukas kasi hectic ang eating schedule ko!!sa Friday sasamahan ko pa magpa-derma si Ate,siguradong iti-treat nya kami ng merienda.Tapos sa November 1 naman pupunta kami sa Sementeryo to meet wityh my hubby's family and para dumalaw din sa mga yumao nilang kamag-anak.(Yung sa amin kasi cremated nandito lang sa bahay)Spider .Alam nyo naman dito sa atin tuwing Araw ng Patay,para na ring may handaan sa sementeryo at nagsisilbi na rin itong reunion ng mga magkakamag-anak.Tapos sa November 2 naman birthday ni Tatay..may barbeque!! O diba?? Talagang di pwede mag 3 Day Diet??? Buti na nga lang at 10 lbs ang nawawala sa diet na yun eh..Tsaka na ang details huh?? Sa November 3 na den..hehe..
 
Yan..paningit lang..Kuha yan sa CR sa SM.. Crying with laughter  Ang ganda kasi ng salamin..I couldn't resist..

 
Eto pa.Si ate ang nag-picture...

 
O last na lang...

2 comments:

Mom of Four said...

3 day diet baga??? Hay naku, yang diet diet na ganyan ang di pd sa akin. Start ako lagi the next day. Minsan nga napika na ako sa husband ko, kasi sabi ko.."Honey, I will start my diet" taasan ba naman ako ng kilay..Sampalin ko nga...munitk ko na nga maabot ang face, Hahaha...Well, whatever your heart desires..10 lbs is a great deal of weight to lose huh..for 3 days without eating? di ba parang dami naman yata, hehehe..baka mamayat ako nun..

Take care and Have a Happy Halloween and All Saint's day na rin...

maiylah said...

cute naman ng shots! :)

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin