Wednesday, October 1, 2008

Milky wilky

Kagabi pa nagkaka-ubusan ng Formula.Pagkatapos kong mag-withdraw ng sweldo ni hubby punta ako ng drugstore to buy milk kaya lang ubos na.Sabi ko sa sarili ko,tomorrow morning na lang  at sa ibang branch na lang ako bibili.Hala, wala pa rin.Ang milk ni Ykaie ay yung Promil na pink.

Kanina naman,dahil medyo busy sa shop hapon na ako nakaalis para bumili ng milk.Sinabay ko na rin ang pag-grocery ng ilang bagay.Napagod ako sa kapaparit-parito.Punta ako sa mga Mercury Drug.Grocery ng Grand central.Grocery ng Victory Central Mall.

Wala.

Wala talaga. Out of stock yung milk nya.

Nag-isip ako kung anong bibilhin ko.Baka kasi kapag ibang binili ko hindi nya makasundo or hindi nya dedehin.
Kaya eto tuloy ang binili ko,dahil ito lang ang available....

Promil for 1 to 3 years old.Naisip ko kasi na dahil same formula naman ay siguradong kasundo nya to tsaka 2 months na lang naman ay 1 year old na sya..

Kasama nyan ay bumili na rin ako ng: Diaper, Gatorade (Alvin), Cup Noodles, Coke, Chichirya ni nanay, Crinkles, Banana Crunch Loaf at Yogurt Drink..

No comments:

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin