Thursday, October 30, 2008

LP: KADILIMAN

Medyo nahirapan akong mag-isip kung ano ang aking ilalahok para sa linggong ito.Humingi pa nga ako kay ate ng suggestion.
Ako: Ate, ano kaya ang pwede kong kunan para sa Litratong Pinoy?
Ate: Ano bang topic nyo?
Ako: Kadiliman
Ate: Kunan mo na lang ang singit ko...(nagbibiro lang po sya)
Ako: EEEEWWWWW,hahaha......Crying with laughter

Suske,nagkanda-sakit ang tyan ko sa katatawa..Si ate talaga nakuha pa i-volunteer yung singit nya.....Pero balik na naman ako sa pag-iisip, naisip ko na dahil Kadiliman ang topic,bakit hindi ko kaya ilagay ang piktyur ng ex-boypren ko??? Nagdilim kasi ang buhay ko nung maging kami..Timing pa at Halloween Giggle...Kaya lang naisip ko rin na hindi naman masyadong akma sa topic. Kung LAGIM ang topic,yann!..jan ko sya dapat i-post. Isa pa, wala na akong piktyur nun, tinapon ko na nung maging kami na ni peanutbutter. Ayan tuloy recycled na piktyurs na lang...



Clover Chips at Kape.....merienda ko sa gitna ng kadiliman ng computer shop.


Isang gabing madilim at malakas ang ulan.Naisipan kong kunan ng litrato ang labas ng shop para ipakita kung gaano kalakas ang ulan.Dahil sa flash ng camera nagmukhang snow ang mga patak ng ulan.....





Happy LP!!!

21 comments:

Anonymous said...

oonga ano parang snow!:)

Bella Sweet Cakes said...

Ha ha ha!! Nakakatuwa namn ang kwento mo!!! Napatawa rin ako!!!!!

Well there you go may nahagilap kang kadiliman... eto naman sa akin http://aussietalks.com/2008/10/litratong-pinoy-kadiliman.html

agent112778 said...

sana seryoso si ate :) hahahaha joke lang po =)) =))

gusto ko yung unang litrato :)

eto aken lahok

magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

sweetytots said...

LOL, sana yung singit nlng.. eeewwww!!!

Silipin nyo rin ang lahok ko.. ang litrato ng anak ko sa kadiliman...naway matakot ko kayo! Ang aking Lahok
"sa kadiliman"

Anonymous said...

Comedy kayo ng ate mo! Super na tawa (at grossed out) ako sa iyong kwento... at ang dati mong bf ha... hindi ba niya nababasa ito..

Akala ko rin ay my snow na sa Pinas... sayang.

Anonymous said...

Kulit ng ate mo ha! At gusto pa ng "indecent exposure" sa internet - hahaha! Baka ma-mark na "for mature content" ang blog mo pag nagkataon... :lol:

Marites said...

nakow! natakot ako sa suhestiyon ng ate mo at baka totohanin mo.

Anonymous said...

Ha ha ha! Natawa ako sa kuwento mo! Kwela sister mo pati ikaw din, natawa ako sa 'lagim' peksman!

next time, pagbigyan mo ate mo ha ha ha!

Happy Halloween at Happy LP!

Anonymous said...

ang kulit ng ate mo ha! at ang kulit mo kasi pinost mo pa talaga. hehe.

tungkol sa ex mo.. pareho tayo mag-isip peachkins! haha.

Anonymous said...

napatawa rin ako, brightened my day! salamat :-)
oo nga, parang snow ang dating ano...cool!

Anonymous said...

Patawa si Ate :D

Anonymous said...

panalo itong post mo, nagising ako at it made my day.

sige, pag nagkaroon ng topic na lagim sa LP, mga ex natin ang ipost natin. :D

ps. kahit sa kadiliman, nakita ko ang clover chips, hahaha! paborito ko yannnnn! penge!!!

Kadiliman sa MyMemes
Kadiliman sa MyParty

Mommy Liz said...

AT first kala ko nga snow..Hoy ha, funny ang sister mo...at funny ka rin, no wonder..siguro lagi kayong nagtatawanan..Hay, na miss ko naman ang sister ko sa Pinas. Hmmmm...Kapag magkasama kami non, la na kami ginawa kundi, kumain, tumawa at mamintas ng mga dumadaan, lalo kung mag BF , or mga yudab (backwards) ..Hehehe...Sama eh noh?
Ingat..

purplesea said...

halos ayoko i-scroll down na kanina kasi baka tinotoo mo yung joke. hahaha!

Happy LP!

Anonymous said...

ka-LP! napaiyak mo ako sa tuwa sa entry mo...as in halakhak to the max sa 'singit' at 'nagdilim ang buhay'. galing mong magsulat...feel na feel ko.

salamat sa pagbahagi.

sweetytots said...

I am hosting a giveaway in my new site sweetytots and I'd like to invite you to join in I'm giving away a 3pc musical toy set perfect for your baby. Click here to join.

Tanchi said...

auz ang snow..:)
maligayang LP po
kakasali ko lang sa LP
kaya kund pwd mabisita ung blog ko?
salamat.:)

Eloise said...

ayos ah!!!

happy lp

Nina said...

ganda ng effect ng droplets of water :) happy weekend!

inyang said...

hahaha as always, panalo ang mga post mo :)

Anonymous said...

ang dilim naman sa computer shop! ok sa combo ah, clover chips at kape! favorite ko ang clover chips na cheese! :D

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin