Kanina, medyo tinatamad ako mag-blog kasi inaantok na ako.kaya lang ay pumasok si Ate dito sa computer shop at:
Ate: Pengeng kutkutin.Anong kutkutin meron ka jan?
Ako: Teka, meron akong V-Cut, Popcorn tsaka Knick-knack..(may food pantry ako dito..hehe)
Ate: Ano pa?? may zeb-zeb??
Ako: Wala na eh.
Ate: Lika, bili tayo
Ako: Tulog na si Tere.(Si Tere ay ang aking helper)
Ate: Gisingin mo,sabihin mo bili lang tayo.
At iyon na nga ginising ko si Tere at sinamahan si ate sa may 7-11 sa may City hall para bumili ng pusit at sopdrinks.Nilibre nya ako ng Coke Zero.Nagising ang diwa ko....and now........
I have a story to tell.Someone has this utang sa shop which you will consider a big amount considering the age of the utangero.Sa ngayon,mga two months na yung utang na yun.A month ago,Nagsimula ng magtago yung bata dahil nga sa hindi sya makabayad.Alam na rin ng nanay nya na may utang sya dito pero di man lang sya nakipag-usap sa akin.Hay,ugali nga naman!Galit na galit ako at gusto kong singilin.Pati si peanutbutter♥ ganun din.
Anyways,nung month na yun ay medyo mababa ang sales ng shop.Dagdag pa ang mga aksayado sa kuryente na mga trabahador dito sa pinagagawang bahay ni Tita na katabi ng shop.(Sa akin sila nakasaksak ng kuryente).I was thinking, paano kaya sa susunod na buwan? magbi-birthday pa naman si Ykaie.Syempre first birthday nya,gusto ko naman na medyo maganda.Tapos, di pa naman bayad yung discounted PC ng PLDT.Hindi naman manager si peanutbutter♥ na ganun kalaki ang sweldo para yun na lang ang asahan ko.
Lord naman,1st birthday po ito ng anak ko..give nyo naman po ako ng funds.
Dumating ang bill ng PLDT last month.Nagkaroon kami ng extra credit, yung supposedly discounted PC nila for P8,000 (because of promo ng DSL),di na nila sinisingil sa akin dahil nagkaroon nga ako ng extra credit.Fine.Baka kako nagkamali lang.Binayaran ko na lang yung normal monthly bill.Tapos nung dumating yung bill ng PLDT this month.ganun din yung normal monthly bill ko na lang ang sinisingil.
At eto pa...Yung utang nung bata,dahil sa pagod na ako kalilipat ng lista sa notebook ko,nilagay ko na lang sa reminders ko dito sa PC..After a few days, biglang ayaw a umandar ng PC ko at kinailangang ire-format ni peanutbutter♥ yung server ko na napakaraming saved files ko.
Hay..*buntung-hininga* huwat a layp...
I took it as a sign na lang na hindi ko na siguro dapat pang singilin pa yung mag-nanay.Binigyan naman ako ni Lord ng mas malaking kapalit.Tsaka,minsan ko namang narinig na malaki at marami silang problemang mag-nanay.Idagdag pa na walang friends yung batang putlain...
I know I'm doing the right thing..
1 comment:
Sabi nga nila, kung di makapagpapahirap sau,wag mo na singilin. who knows, baka mas need nila ng pera kesa sau.
Sa birthday ng baby mo, make the most out of it na lang,d i naman need na sobrang bongga, basta may 3 layers na cake,tapos may clown,games, about 200 guests..Just kidding..
Have a great day to you and your family...
Post a Comment