A random shot sa Cabalen sa Trinoma where we had dinner kung saan di ko naramdaman ang dinner dahil sa likot ng aking anak.At sa dinami-dami ng pagkakataon nga naman,kung kelan may mga kaharap kaming mga ibang tao..dito pa pinili ni Ykaie na weewee-an ako sa pantalon. Buti na nga lang at medyo dark ang pantalon ko at hindi halata. (wag kang maingay huh? secret lang natin yun)..
Gustong-gusto ko mag-chocolate fountain kasi meron sa buffet table kaya lang nung pwede na akong mag-ganun,wala ng masyadong chocolate at wala na rin masyadong tao na kumukuha...nakakahiya,kaya pinag-isang stick ko na lang si Ykaie ....Naku,magre-rent talaga ako ng chocolate fountain sa birthday ni Ykaie at kakain ako ng kakain..nyahahaha.(Inggitera ako no???)
Picture muna bago dinner.Ayan nag-ice cream pa kami nila Ykaie kaya sya hyper na hyper kinagabihan.
Konting picture-picture.,pa-sweet lang muna habang hawak ni Lola Lucy si Ykaie.
-------------------------------------------------------------------------
Noong pauwi na kami kanina may nakasalubong kami na family.May nanay,Tatay at parang 2 Yaya.Tulak-tulak nung yaya yung bata na nakasakay sa stroller at yung isa naman ay may dala-dalang iba't ibang klaseng gamit at 3 pirasong lobo (balloon).Yung batang nasa stroller may tulak-tulak na manikang naksakay sa mas maliit na stroller. Hay buhay nga naman,sabi ko kay peanutbutter♥...
Ako: Iintindihin mo na yung batang naka-stroller,iintindihin mo pa yung tinutulak nung batang naka-stroller??
PB: Oo nga no? Pero mukha naman silang may sasakyan eh..
Ako: Oo nga..at yung yaya,tingnan mo,parang may yaya din sya......hahahaha
Heheh,ang taray kasi dalawa-dalawa pa ang yaya.Akala ko ba naghihirap na ang mga tao?? at tag-hirap sa Pilipinas??? Bakit na-aafford pa nila magsama ng yaya na may yaya sa mall???
.Oy ha,di ako naiinggit dahil sa di ko afford mag-hire ng yaya....wala lang.Natawa lang ako sa thought na ang Yaya may yaya...Amo: Yaya, can you give this to your yaya....
Ahahaha....
1 comment:
Katuwa ka naman. Baka naman nagdala ng 2 yayas at sa amo ang isang yaya. Mura lang kasi ang bayad sa yaya dyan eh, siguro sa Manila 3k lang a month. Kapag mayaman kasi balewala ang pera. Di gaya natin, tayo na lang alaga sa mga kids natin. Kapag nagbabakasyon kami, kumukuha ako ng niece na magbabantay sa mga anak ko, pero mura lang bayad. Hehehe..Can't afford kasi. Ska isa lang, ako na nagluluto at naglilinis para tipid..Hopefully I can meet with you sa summer. Caloocan lang naman kami, lapit sa SM Fairview.
Post a Comment