Kahit wala si kuya Noel punta kami ng SLWH for check-up, pero tinawagan ko muna si Beauty (cousin-in-law) para patulong.
Nag-stay kami sa may office ni Beauty.Dun sa may Ultrasound/X-ray Dept. Buti Saturday kaya wala masyadong tao.
Kawawa si Ykaie..iyak sya ng iyak nung kinunan sya ng dugo.Buti nga finger prick lang.Tapos,dahil check -up din pati weewee,bumili kami ng weewee bag. Hala, hintay to the max kami na magwee-wee sya.
Wisss Wiss Wiss Wiss Wiss Wissssssss.
Kahit na anong "wiss-wiss" namin wala pa rin weewee.
Picture-picture habang naghihintay ng weewee
Check kung na-weewee na after 30 minutes. Nge!!, natiklop yung wee wee bag.Walang pumasok na weewee dun sa bag.Inayos ko na lang ulit yung posisyon ng weewee bag at ibinalik ang diaper.
Picture ulit, puppy-dog eyes ang little girl ko.Matamlay.Trying to smile.
Ako naman,ayan.Groggy.Haggard pero naka-smile para maitago ang pagod.
Inabutan na nga kami ng pag-out ni Alvin.Pumunta sya sa hospital straight from work.Worried kasi sya sa amin.
Wala pa rin weewee.Hanggang nagpalit na kami ng weewee bag dahil sa ayaw na dumikit nung isa.Hayz.
Wait ulit.Maya-maya,nag-text na si Ate.Worried na sila nanay at ang tagal na namin sa hospital.Sinabi ko sa kanila na wala ng milk si Ykaie.Isa lang kasi ang baon ko.Akala ko kasi sandali lang kami.
Ang worried Lolo Guido,punta sa hospital.Dinalhan ng milk si Ykaie at dinalhan na rin ako ng lunch.
Si Ykaie, 2 times nag-weewee pero walang nasalo yung bag.Hay naku, bumili na lang kami ng weewee bag at bukas na lang ihabol yun.
Pag-uwi namin medyo magaling na sya.Tumatawa na tsaka medyo may gana na rin kumain.Nakakatawa ang mga bata ano? Pag nakakita na sila ng doktor,kahit na walang ginawa kundi check-up lang,gumagaling sila?? Bakit kaya??Hehehe.Kailangan lang yata gumastos...
No comments:
Post a Comment