Friday, July 31, 2009

May Krisis

Nitong mga nakakaraang araw ay parang wala talaga akong ganang mag-blog. Dala siguro ito ng sobrang pagkabugnot o pagod dito sa shop. Tapos may mga errands pa ako at mga nakakakunsuming tagpo sa araw-araw. Yung mga makatuyo-dugo ba....

Wala rin akong ganang magluto. Wala akong ginagawa dito sa shop kundi mag-bloghop lang at manood ng movie na di-nownload habang kumakain ng chichirya tuwing gabi. Jumujubey na naman ako. 

Wala pa akong datung! Ano ba ito? Purita Amor ako for this week at alam kong magiging Purita Amor ako hanggang sa susunod na dalawang linggo and my life would be boring as hell. Huwaaaaa!!!
Buti pa sa Restaurant City medyo mayaman ako.

Haaaayyy..(malalim na buntung-hininga) feeling ko kailangan ko muna magtago sa cave parang bear at mag-hibernate ng ilang buwan para paglabas ko refreshed ako.

Hala,manonood muna ako ulit. Bukas birthday ni FIL. Sana stress-free.

1 comment:

manik_reigun said...

naku baka u need rest.
and speaking of resto city, pati dun purita ako!haha

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin