May gas!! hanggang ngayon di pa rin ako nakakahinga ng malalim at masakit pa rin. Ni hindi man lang ako makatawa ng bigay na bigay! Bawal ngayon sa akin ang sumaya,magalit at umiyak...hahaha.. ang gara..
Kaninang umaga, pumunta ako sa San Lorenzo para magpa-check-up. Nagpa-ECG ulit ako, X-ray at Blood Chemistry Tests.So far,kagaya ng sabi sa MCU,normal naman ang ECG ko. Di naman din ako highblood. Bukas dadalin ko yung results sa Internal Med Specialist sa MCU baka naman alam nya kung ano itong nangyayari sa mundo ko.
Sus, feeling ko naman over-fatigue ito. Kasi naman, simula ng mawalan ako ng helper ay 6am-1am ang office hours ko. Imagine?! 19 hours ako gising at nagtatrabaho?! After that ay katabi ko pa si Ykaie na matulog,hala gigising pa ako at matitimpla ng dede.
-----------------------♥♥♥
THINGS TO CONSIDER: 1. Sabi ni Tita, baka daw may heart problem aketch. Gosh, baka pagbawalan nila ako mag-kape?? Hindi kumpleto ang araw ko pag di ako nakapag-kape sa isang araw. Para akong zombie nun...Awwoooooooo!!!
(Pwede ako mag-decaf, kaya lang alang amats yun!)
2. Baka naman mataas ang cholesterol level ko. Well, goodbye to chicharon bulaklak, fried sebo, liempo at kung anu-ano pang fatty food na peborit ko. Kahit naman peborit ko sila, kaya ko naman silang i-give-up para naman madagdagan pa ang oras ko dito sa lupa..hahaha
3. Baka, kailangan ko ng exercise. Tamad talaga akong tao.Masipag ako sa ibang bagay pero hate na hate ko mag-exercise kase boring ito para sa akin.
Threadmill = tumatakbo ng walang kinapupuntahan
Stationary Bike = Nagba-bike na hindi umaalis sa kinaroroonan
O diba??
4. Siguro, kailangan ko dagdagan ang tulog ko ng kaunti. Hmmnn.. pwede na siguro ito at kailangan umiwas sa pagka-OC na feeling ko di ako mauubusan ng gagawin. I'll take time to smell the bedsheets..hehe
Haaayy, bahala na whatever it is na kailangan ko gawin,gagawin ko naman for the sake of those people I love and those who love me....
4 comments:
Rest... try to have even one week to relax.. Go somewhere that is close to nature. Play with your child there and spend time with God...
ok ? =)
mommy are u okay na ba?
magpahinga ka kasi at the very least get 8 hours of sleep a day. :(
<-worried.
glad you're feeling a bit better po :)
hmm.. opinion ko lng po.
na overwhelm lng cguro katawan nyo. 6am-1am? khit sino naman cguro ganyan gawin, eventually they'll crack :)
i agree, cguro kelangan niyo nga po mag cut down sa fatty foods, kahit gano kasarap. hehe. uhm, pde naman mag indulge paminsan :)
exercise, yes you DO need it.
treadmill at stationary bike?
kakabagot nga po yun. mas ok sana mag jog ng umaga sa labas. presko hangin, marami ka nakikita, at may napupuntahan ka :)
kung masyado po mausok sa labas, (hehehehe)
why don't you try po ung dance classes? (e.g aero dance, modern jazz, etc.)
kung hindi naman po cla interested sumayaw, umm, i'd suggest sports?
badminton, swimming, etc.
im sure maraming trainers, programs, and badminton centers na anjan.
ayun po. hope i helped :)
God bless po!
awww!... i just found out today... medyu kasi nag busybusyhan din ako sa work nowadays... kaya di ako nakakapag gala sa blog world ko.
take care mommy peach! Hope you get well soon.
Post a Comment