Kung makailang beses ng nagtatatawag ang mga mababait na bumbero dito sa shop. Kasi nga'y yearly dapat i-recondition o pa-refill-an and fire extinguisher according to the law. Naalala ko around this time last year din ako naholdap ng mga bumbero.
My entry : SUUUNOG!!!
Sabi ko this year I'm going to be so much wiser..... Inunahan ko na sila! ako ang nagpa-refill ng fire extinguisher kesehoda mabigat sya.And guess what?! Napa-refillan ko sya for P50/lb or P1000 dyan sa paglagpas lang ng UE --Survivor Enterprises. Ang mura lang diba? I'm guessing doble ito kung sila ang magpapa-refill dahil noong tinanong ko sa Survivor kung magkano itong fire extinguisher ay ang sabi sa akin P2,000 lang daw. P4,500 nila siningil sa akin to last year! My guzzz huh!!
Kanina-kanina lang ay may-i-call na naman itong fireman na ito:
Fireman: Hello.
Ako: Sino ho ito?
Fireman: Ako ho si *******. Remind ko lang ho na kailangan na i-recondition yung fire extinguisher nyo.
Ako: Ay napa-refill-an ko na po eh
Fireman: ha?! Saan?!
Ako: Dun din ho, sa pinagkuhanan nyo.Sa 9th ave. Di ba ho may label ho iyon?
Fireman: Ah talaga (nanlulumo na..hehe) Magkano mo napa-refillan?
Ako: P80 per pound po
Fireman: ah,o sige
Ako: sige ho,thank you hoooo.. (weheh sarcastic na)
Well, two can play at this game. Bakit sila lang ba ang marunong magsinungaling?! Earlier ay natawagan ko na ang El Dorado at naitanong kung magkano ang presyo ng refill nila at ang sabi nila sa akin ay P80/lb.
teka,teka, Maya-maya ay lumalabas ng bahay ang ate ko at sinasabing nasa phone daw ang El Dorado at tinatawagan ako...Hayyy! talaga nga naman!
Somebody from El Dorado: Nagpa-refill daw ho kayo sa amin?
Ako: Oho, ako ho yung tumawag nung isang araw
Somebody from El Dorado: ah naresibuhan na ho ba kayo?
Ako: Ay inutos ko lang ho kasi yun. Sandali check ko lang ho...
***pagkatapos kong lumakad-lakad sa loob ng bahay for a few seconds
Ako: Ay sa iba ho pala nagpa-refill yung inutusan ko
Somebody from El Dorado: ah, kasi nagagalit yung bumbero eh. magkano pa-refill mo?
(ay ang taray,pinapagalitan ang may negosyo)
Ako: ganun din ho, P80 per pound..
O wala na. Tapos ang usapan. Sabi ng nanay ko: "Hala ka, pag nasunugan ka di ka nila pupuntahan"
Sabi ko naman "O eno? May fire extinguisher ako....BAGONG REFILL!! hah!"
Sa iba ako nag pa-refill ng fire extinguisher ko....SO SUE ME!
6 comments:
grabe no ang laki ng patong?haaay!kailan kaya mawawalan ng mapagsamantala dito sa Pinas.
grabe yang mga yan. pati yung mga maayos na naghahanap buhay nilalamangan pa. hay naman talaga.
mommy maiba ako sa post mo.... bday ko na tom nasaan na gift kong sisig? hahahahaha
nyahahaha, iba ka talaga lola, to the highest level, ang bagsik ng mga kwento mo. luvit!
hi sis, naku swerte mo kase yan ang raket ng mga hunghang na yan..buti at naging aral yung last yr experience mo..
Wow ha grabe ang bilis nang bumbero naka kontak eh pag may sunog aabutin nang siyam kung dumating. Parang na high blood ako sa style nila. Pero na wisan mo sila hehehe that is a very good lesson learned sana gagawin yan nang mga business owner dyan para di makuartahan nang mga bomberong yan.
Pero bakit nga pala sila nakikialam between sa business owner at sa refiller. AS long as yung refiller eh authorize sa Fire department diba?
I like this story share ko to sa mga friends kung may mga business lol!
Post a Comment